Daniel Padilla, may panalangin sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19 | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Daniel Padilla, may panalangin sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19

Daniel Padilla, may panalangin sa gitna ng krisis dulot ng COVID-19

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA — Isang panalangin ang inalay ni Daniel Padilla ngayong humaharap ang bansa sa krisis dala ng pandemikong sakit na coronavirus disease.

Sa “Magandang Buhay” nitong Biyernes, para sa pagdiriwang ng kanyang ika-25 kaarawan, binahagi ni Daniel ang kanyang dasal para sa #POTD o Panalangin of the Day ng pang-umagang programa.

Sa kanyang panalangin, binigyang diin ni Daniel na nawa ay patuloy na gabayan at protektahan ng Diyos ang lahat ng frontliners at ang mga apektado ng enhanced community quarantine.

“Panginoon, una sa lahat maraming-maraming salamat po sa panibagong araw, sa panibagong umagang ito sa mga buhay namin. Ito po ay biyaya para sa bawat isa sa amin. Kasabay nito ang aming paghingi ng tawad sa mga pagkukulang namin bilang, anak, kapatid, kaibigan at sa aming kapwa. Sa ganitong panahon ay gamitin Niyo po kami bilang instrumento at kami po ay malugod na susunod dahil isa lang naman po ang gusto naming lahat -- ang malagpasan ang krisis na ito na puno nang pagtutulungan, pagmamahalan at pananalig sa Iyo.

"Sana po ay gabayan niyo po ang aming mga bagong bayani, ang mga frontliner sa mga ospital, ang aming mga sundalo. Ang aming mga kapwa na nahihirapan sa sitwasyon na ito, sila po ay gabayan Niyo ay bigyan Niyo ng lakas hanggang matapos ang krisis na ito. Tayo po sanang lahat ay magmahalan at panahon na po para magkaisa. Sana po lahat tayo ay magtulungan mula sa itaas, sa ating gobyerno, hanggang sa mga tao, tayo po dapat ay magkaisa,” ani Daniel na nagpasalamat din sa panibagong taon sa kanyang buhay.

ADVERTISEMENT

“Lord, maraming-marami pong salamat sa lahat sa isa na naman pong masayang kaarawan at umabot po ako sa 25. Thank you very much, Lord. At siyempre hindi ko puwedeng kalimutan sa aking mga supporters, pasensiya na kung sa tingin niyo ay nagkukulang ako sa panahon ngayon, siguro hindi ako nagpaparamdam sa pagpo-post, pasensiya na po. Ako po ay intindihin niyo at mahina tayo sa online-online, sa social media. Pero hindi niyo man po nakikita ang mga ginagawa ko, tayo po ay hindi titigil tumulong at hindi tayo titigil na magbigay ng saya sa ating kapwa kaya maraming salamat sa pag-intindi, sa aking mga supporter. I miss you all very much. Sana ay samahan niyo ako na mag-celebrate ng birthday ko sa kanya-kanya nating mga tahanan. Kaya all the love and amen, Lord. Thank you very much,” dagdag ni Daniel.

Para sa pagdiriwang ng kanyang kaarawan, muli ring binigyang-pugay ni Daniel ang kanyang inang si Karla Estrada, isa sa mga host ng “Magandang Buhay,” sa pag-aalaga, paggabay at pagmamahal para sa kanilang pamilya.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.