‘Kuya’ nag-imbita ng historian para sa History Week ng ‘PBB’ | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
‘Kuya’ nag-imbita ng historian para sa History Week ng ‘PBB’

Karl Cedrick Basco,
ABS-CBN News
Published Apr 19, 2022 08:39 PM PHT

Tila mas seryoso si “Kuya” na maiwasto ang mga pagkakamali ng teen housemates sa kasaysayan ng Pilipinas matapos pag-usapan sa social media ang ilan sa mga naging sagot nito sa quiz bee.

Para sa linggong ito, “History Week” ang magiging weekly task ng mga housemates sa “Pinoy Big Brother” upang mas lalong mapagtuunang-pansin ang kahalagahan na pag-aralan ng kasaysayan.

Bukod sa hamon, nag-imbita rin si Big Brother ng isang historian na magiging gabay para sa pag-aaral muli ng history ng mga housemate.

“Napapanahon ang gagawin n'yo sapagkat kung ang pagpapahalaga sa tunay na kasaysayan at yung tunay na pagsasaliksik ng kung anong nangyari sa ating nakaraan, kailangan natin ng kasaysayan upang matuto at gumawa ng mas makatwirang desisyon sa hinaharap,” ani Xiao Chua, isang kilalang public historian sa bansa.

Samantala, hinati ni “Kuya” sa dalawang grupo ang mga nalalabing teen housemates para sa weekly task: ang museum group at tour group.

Ginawa rin nitong isang museo ang sala ng kaniyang bahay kung saan naka-display ang ilang mga artifact na may kaugnayan sa kasaysayan ng Pilipinas tulad ng alibata, anahaw, mangga, arnis, at baro’t saya.

Binigyan din nito ng hamon ang Museum Group na gumawa ng live human diorama ng Battle of Mactan at Bataan Death March.

Nang handa na sa kanilang diorama, pinapasok na ni Kuya ang Tour Group sa museo upang makita ang mga diorama.

Kasabay nito, ikinuwento ni Robi Domingo ang istorya sa likod ng dalawang mahalagang tagpo sa kasaysayan ng Pilipinas na maaaring maging parte ng History exam ng mga housemate sa pagtatapos ng linggo.

Nauna nang pinag-usapan sa social media ang naging Philippine history quiz game sa loob ng bahay dahil sa mga naging sagot nina Gabb Skribikin at Kai Espenido sa ilang tanong.

Isa sa mga naitanong sa dalawa ang tawag sa tatlong Pilipino pari na pinatay ng mga Espanyol noong 1872 na sina Mariano Gomez, Jose Burgos and Jacinto Zamora.

“MaJoHa” ang naging sagot ni Skribikin na ikinagulat ng maraming netizens. GomBurZa ang tamang sagot sa nasabing tanong ni Domingo.

Hindi rin naitama ng dalawa ang sagot nang tanungin sila tungkol sa pinakamahabang tulay sa bansa na nagdudugtong sa isla ng Leyte at Samar na San Juanico Bridge.

“SLEX” ang naging kasagutan ni Skribikin sa tanong.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.