PBB: Rob Blackburn nakapiling ang ina sa loob ng Bahay ni Kuya | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

PBB: Rob Blackburn nakapiling ang ina sa loob ng Bahay ni Kuya

PBB: Rob Blackburn nakapiling ang ina sa loob ng Bahay ni Kuya

ABS-CBN News

Clipboard

Mula sa Kapamilya Online Live
Mula sa Kapamilya Online Live

Muling nahagkan ng teen housemate na si Rob Blackburn ang kaniyang ina matapos mapagtagumpayan ang mabigat na hamon kasama si Ashton Salvador.

Sa episode nitong Miyerkoles, nagkita muli si Rob at ang ina na si Paz sa isang dinner date sa loob ng Bahay ni Kuya.

Ayon sa ina ng housemate, naiinggit ang ama ng bata dahil hindi ito makakasama sa maikling pagbisita para sa anak.

Dito inamin ni Rob na tama ang desisyon niyang pumasok sa “Pinoy Big Brother” lalo pa’t maganda ang pakikisama sa kaniya ng mga housemate.

ADVERTISEMENT

Sandali man ang naging pagkikita, malaki pa rin ang pasasalamat ni Rob dahil muli niyang nasilayan ang kaniyang nanay.

“Just try to get along more. You interact more with your co-housemates. Be friends with everyone. I'm sure you will do well. I'm asking you to do your best,” payo ni Paz sa anak bago tuluyang maghiwalay.

Ngunit bago ang kanilang pagtatagpo, binigyan muna ng hamon ni Big Brother si Paz kasama ang ina ni Salvador na si Ana Marie Lim.

Bumuo ng isang puzzle sa activity area ang dalawa kasama sina Eslam El Gohari at Stef Draper. Ang nasabing puzzle ang gagamitin nina Ashton at Rob para sa secret sacrifice task.

Kinailangan ng dalawang housemates na i-flip ang isang gulong na may timbang na 145 kilo sa nasabing maze puzzle ng 37 beses.

Bagamat sobrang nahirapan dahil sa bigat at dami ng ipinagawa, matagumpay pa ring natapos ng dalawa ang hamon.

Susunod na magkikita ang mag-ina na Ashton at Ana Marie na eere sa darating na Linggo.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.