SILIPIN: Mga artista at ang kanilang pananampalataya | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

SILIPIN: Mga artista at ang kanilang pananampalataya

SILIPIN: Mga artista at ang kanilang pananampalataya

ABS-CBN News

Clipboard

Pananampalataya, sakripisyo at higit sa lahat pag-ibig, ito ang diwa ng Semana Santa.

At para sa ilang artista, pinapahalagahan nila ang pag-ibig at pagsasakripisyo ni Hesu Kristo sa pamamagitan ng kanilang mabubuting gawa, panata at debosyon.

Kilalanin natin ang ilan sa mga celebrities na maliban sa kanilang galing sa pinasok na karera ay mayroon ding matibay na pananalig kay Hesu Kristo at debosyon sa Inang Maria.

Coco Martin

Maliban sa pagiging bida ng "Ang Probinsyano," kilala si Coco Martin sa kanyang debosyon sa Poong Nazareno ng Quiapo.

Boy Abunda

Maliban sa pagiging primyadong host, kilala si Boy Abunda sa kanyang pananalig at debosyon sa Inang Maria.

Shaina Magdayao at Vina Morales

Ang magkapatid na si Vina Morales at Shaina Magdayao ay kilala sa kanilang debosyon sa Santo Padre Pio.

Darren Espanto

Isa sa pinakamagaling na batang mang-aawit, si Darren Espanto ay kilala rin bilang Marian devotee.

Angeline Quinto

Para sa lahat ng kanyang biyayang natanggap, hindi nakakalimot si Angeline sa kanyang panatang magpasalamat sa Poong Nazareno.

Melai Cantiveros

Isa sa mga host ng "Magandang Buhay," kilala din si Melai sa kanyang debosyon sa Inang Maria.

Ai Ai delas Alas

Kilala sa kanyang galing sa komedya, bukas sa publiko ang pananampalataya ni Ai Ai delas Alas sa Diyos at pagiging deboto ng Inang Maria.

Lou Veloso

Ang beteranong character actor ay kilala din sa kanyang panata na pangunahan ang taunang senakulo na "Martir Sa Galgota."

Pokwang

Tulad ng iba, kilala din ang komedyanteng si Pokwang ay sa kanyang debosyon sa Inang Maria.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.