'Pinoy Big Brother': Stef Draper, Rob Blackburn, Stephanie Jordan nagboluntaryong maging nominado | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Pinoy Big Brother': Stef Draper, Rob Blackburn, Stephanie Jordan nagboluntaryong maging nominado

'Pinoy Big Brother': Stef Draper, Rob Blackburn, Stephanie Jordan nagboluntaryong maging nominado

ABS-CBN News

Clipboard

Screenshot mula sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
Screenshot mula sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

MAYNILA — Nagboluntaryong maging latest batch ng "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10" nominees ngayong linggo sina Stef Draper, Rob Blackburn, and Stephanie Jordan.

Ito ang naging pinal nilang desisyon matapos pagdebatehan kasama ang mga kagrupo sa weekly task na sina Paolo Alcantara at Dustine Mayores.

Ang grupo nina Mayores ang natalo sa weekly task habang ang grupo nina Luke Alford ang nagwagi at nagkaroon ng immunity.

Tingin ni Jordan, sina Alcantara at Mayores ang may pinakamaraming naiambag sa grupo at dapat maging ligtas sa eviction.

ADVERTISEMENT

“Ito naman, straight to the point ha, huwag kayong ma-offend. Gusto ko sana na ako si Stef, si Rob maging nominated not because we don’t deserve or we deserve and I understand you put so much hard work and I think deserve kayong dalawa,” sinabi ni Jordan sa Monday episode.

“And I think this is better that we can talk it out and I don’t want some stupid game where we pull the straw and see who gets the small end because this is not about oh who gets lucky at this point. You did so much more work,” dagdag pa niya.

Nakipagdiskusyon naman si Alcantara at pinaalalang lahat ay pantay lamang ang binigay sa weekly task.

“Para sa ’kin kasi lahat tayo may ni-contribute naman so ang hirap mamili,” aniya.

Nauwi sa botohan ang desisyon at napili ang paghain nina Jordan, Blackburn, at Draper na maging nominado.

Isang housemate lamang ang aalis ng Bahay ni Kuya pagkatapos ng linggo.

Ito na ang ikatlong beses na naging nominado sina Jordan at Blackburn habang ikalawang beses pa lang ito ni Draper matapos maging “Head of House Household” nitong nakaraang linggo.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.