PatrolPH

Ruffa Gutierrez, balik-teleserye sa 'Love Thy Woman'

ABS-CBN News

Posted at Apr 11 2019 11:12 AM | Updated as of Apr 11 2019 11:41 AM

Watch more News on iWantTFC

MANILA -- Balik ABS-CBN si Ruffa Gutierrez bilang bahagi ng “Love Thy Woman,” ang bagong serye na aabangan mula sa Dreamscape.

Ayon kay Ruffa, nagagalalak siyang mapabilang muli sa isang teleserye dahil matagal na rin ang panahon na lumipas mula nang huli siyang nakagawa nito.

“Nandito ako ulit. Actually my last teleserye with ABS-CBN was ‘I Love Betty la Fea’ under Dreamscape also so happy ako kasi bagay na bagay sa akin 'yung role [dito sa bagong serye],” aniya.

Nagbigay patikim pa ang aktres sa kanyang magiging role sa "Love Thy Woman."

“Siyempre mayaman! Mayaman na colorful ang character. I’m the third wife or kabit ni Boyet de Leon. Natutuwa nga ako kasi ang tawag ko sa kanya dati ‘sir’ at saka Tito Boyet. Ngayon asawa ko na siya,” aniya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by RUFFA GUTIERREZ (@iloveruffag) on

Samantala, lumalaki na rin ang dalawang anak ni Ruffa na sina Lorin at Venice na nahihilig na rin sa pag-aartista.

Bilin ni Ruffa, puwede nilang gawin ito basta’t huwag lang nila pababayaan ang edukasyon.

“Ako naman hindi ko sila pinipigilan mag-artista as long as they focus on their studies kasi gusto ko naman may fallback sila kahit mag-artista sila. Gawin nila 'yun pero kailangan mayroon silang natapos,” ani Ruffa.

Kuwento ni Ruffa, single siya ngayon at haharapin muna niya ang acting career at pagiging isang ina. –- ulat ni Jeff Fernando, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.