Lou Veloso, umaasa sa pagbabalik ng ‘Martir sa Golgota’ sa susunod na taon | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lou Veloso, umaasa sa pagbabalik ng ‘Martir sa Golgota’ sa susunod na taon

Reyma Deveza,
ABS-CBN News
Published Apr 10, 2020 06:28 AM PHT
|
Updated Apr 10, 2020 07:02 AM PHT

MAYNILA — Pagkatapos ng higit tatlong dekada, hindi maitatanghal ngayong taon ang “Martir sa Golgota,” ang dula na hango sa buhay ni Hesu Kristo, dahil sa enhanced community quarantine sa Luzon dala ng banta ng coronavirus disease.

Sa ilalim ng direksiyon ng batikang aktor na si Lou Veloso na siyang nagtatag ng Tanghalang Sta. Ana, taunang ginaganap ang senakulo sa Maynila at naipapalabas sa iba’t ibang lugar sa Luzon.

Sa panayam ng ABS-CBN News kay Veloso, sinabi niya na tigil muna ang senakulo ngayong 2020.

“Dapat ika-31 years na kaso nahinto dahil dito sa COVID-19, wala munang passion play. Pero hopefully sa awa ng Diyos ay next year kung mawala na itong COVID-19 na ito,” ani Veloso.

Naniniwala si Lou na ang pangyayari ngayon sa bansa at maging sa buong mundo ay may aral na hatid sa mga mananampalataya.

“Hindi lang naman kasi sa atin 'yan, sa buong mundo 'yan, pero siguro hanapin na lang natin 'yung itinuturo niyang nangyayari sa panahon. Kasi hindi naman 'yan papayagan ng Itaas kung talagang mayroon Siyang gustong ituro. Kahit pa sinabi na ginawa raw ng China, ginawa ng Amerika, Siya pa rin ang magpapahayag na may pahintulot Siya,” ani Veloso.

“Isipin na lang na kung alam natin na mayroon palang COVID around us, mas isipin natin na ang Diyos ay nandiyan din. So sasambahin mo sa ispirito na hindi mo nakikita. Kung alam mo nandiyan ang COVID around, ganun din dapat ang pagtingin sa Diyos na alam mo nandiyan siya at mas malaki siya sa maliit na COVID na ito. Kailangan ipahayag na we should worship our God, the Father and the Son in the spirit, hindi sa rebulto kung hindi sa ispirito,” dagdag ng aktor.

Dahil na rin sa lockdown, sinabi ni Lou na hindi rin nagkikita-kita ang mga aktor sa senakulo maging ang ilang residente ng Sta. Ana na parte nito.

“Hindi kami nagkikita. Text-text lang. So inilalabas nila sa FB ang mga dating picture,” ani Lou na ibinahagi ring maaring ipalabas ang “Martir sa Golgota” sa YouTube.

Sa ngayon, habang wala munang senakulo, abala si Lou sa kanyang responsibilidad bilang konsehal sa Maynila.