Karen Reyes, 'di isyu ang age gap nila ng nobyong si Sarkie

ABS-CBN News

Posted at Apr 10 2018 11:46 AM | Updated as of Apr 10 2018 12:30 PM

 

A post shared by Karen Reyes (@justmekarenreyes) on

MANILA -- "Tito levels na pala siya."

Ito ang pagbabahagi ng aktres na si Karen Reyes tungkol sa kanyang bokalistang nobyo na si Raymund "Sarkie" Sarangay na 14 taon ang tanda sa kanya.

Sa panayam ng Push, naging bukas si Karen tungkol sa relasyon niya sa bokalista ng bandang Silent Sanctuary. Aniya hindi isyu ang age gap sa kanilang dalawa.

"Actually nagulat din ako na, ‘Ay! Ganung taon ka na pala.’ Wala sa itsura niya nung nagkakilala kami. So, nagulat ako na ganun ka-tito levels na pala siya. Ganun lang 'yung lokohan namin. Pero kasi mabait siya," ani Karen.

"I find it mas masaya, kasi hindi ka mamomoblema na petty things pag-aawayan ninyo. Parang it’s more of matured kayo pareho. Kasi parang ganun ako, ganun ako nakita ng tao na parang hindi ako bata mag-isip at magsalita. Kasi I’m 21 pero I’m talking like I’m 35 or something. Parang siguro nag-jibe kami dun sa maturity,” ani Karen.

Ayon pa kay Karen, malaking bahagi rin sa kanilang relasyon ang pagiging tagahanga niya ng bandang Silent Sanctuary.

Aniya, natatawa lang siya sa mga komentong nababasa tungkol sa malaking agwat ng kanilang edad.

“Fan ako ng Silent Sanctuary ever since. Alam niya 'yun. Tapos pareho kami ng kinalakihan. Pareho kaming taga-Makati. Eh 'yung lugar sa Makati na 'yun na Sembo at South Sembo 'yun ang lugar kasi namin dun. Taga-South Sembo ako tapos taga-Sembo siya so we have the same, parang kung papano kami tumambay, makipag-usap sa tao. Parang pareho kaming walang ere, ganun. Natatawa lang ako kasi yun yung nasa comments box na malayo daw ang age gap namin, ganun. Pero wala naman sa itsura di ba? (laugh). Aside from that, wala eh kasi we’re both Libra pa so compatible kami," aniya.
 
Pag-amin ni Karen, hindi niya makakalimutan ang unang beses na nakita niya ang nobyo.

“Actually pumunta ako sa gig nila tapos pagpunta ko parang wala lang. Basta it was the first time that I saw him, 'yun. Wala lang, private kasi talaga,” ani Karen na masaya ring tanggap ng kanyang ina ang relasyon nila ng bokalista.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.