Pagkatapos bumitiw bilang Darna, Liza may bagong serye at pelikula | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Pagkatapos bumitiw bilang Darna, Liza may bagong serye at pelikula

Pagkatapos bumitiw bilang Darna, Liza may bagong serye at pelikula

ABS-CBN News

Clipboard

MANILA -- Ilang araw matapos ang ang pagbibitiw ni Liza Soberano bilang Darna, ibinahagi ng kanyang talent manager na si Ogie Diaz na nakatakdang gumawa ng serye at pelikula ang aktres.

"Mayroon kaming pitching for a teleserye, tapos another movie," ani Ogie sa programang "O.M.J." ng DZMM.

Ayon kay Ogie, makakasama muli ni Liza sa bagong pelikula ang nobyo nitong si Enrique Gil.

"Ang ganda nung movie. Talagang nung ipinarinig sa amin ang istorya ay na-excite sila ni Enrique," dagdag ni Ogie.

ADVERTISEMENT

Matatandaang nagbitiw si Liza bilang Darna dahil sa tinamo nitong pinsala sa daliri.

Samantala, dahil sa patuloy na usapan tungkol sa susunod na Darna, nagbigay rin si Ogie ng kanyang saloobin sa maaring maging susunod na Pinay superhero.

Aniya, kung siya ang masusunod, mas nais niya na isang bagong artista ang gumanap bilang Darna.

"Sabi nga ni Lea Salonga, kahit sino 'yan, Darna ang magdadala sa kanya. Ako kung ako ang tatanungin, mas gusto ko na kung sino 'yung next na Darna, dapat 'yun ang idi-discover at 'yun ang kanyang unang-unang proyekto," ani Ogie.

"Yung talagang pak! Ila-launch siya ng ABS-CBN, hindi ba? Pero sana huwag ikalaki 'yung ulo, 'yung gaganap na Darna sana huwag lalaki ang ulo," dagdag ni Ogie.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.