Binubuong girl group na MNL48, nais ipakilala ang kulturang 'idol' ng Japan | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Binubuong girl group na MNL48, nais ipakilala ang kulturang 'idol' ng Japan

Jaehwa Bernardo,
ABS-CBN News
Published Apr 08, 2018 04:59 PM PHT
|
Updated Apr 08, 2018 05:19 PM PHT

Mahaba na ang tradisyon sa Pilipinas ng mga talent search na nagbigay-daan sa pagsikat ng mga artista, singer, dancer, at celebrity na inidolo ng bayan. May isa pang dumagdag na ang pangunahing bentahe ay ang paghubog hindi lang sa mga kakayahan kundi ang halos lahat din ng aspeto ng personalidad ng mga mapapabilang sa binubuong grupo.
Isa sa mga pinakamatagumpay na musical act ng Japan ang all-girl group na AKB48, na hango ang pangalan sa pinaikling Akihabara, isang lugar sa Tokyo, at 48 na miyembro nito – ang pinakamarami para sa isang pop group, pagkilala ng Guinness World Records noong 2010.

Ngayo’y mabibigyan ang mga Pinoy ng pagkakataong maging bahagi ng pamilya ng AKB48 sa pamamagitan ng ilulunsad na "sister group" na MNL48.

Napapanood ang proseso ng pagbuo sa MNL48 tuwing tanghali sa programang “It’s Showtime.”

Mula sa libo-libong nag-audition, 200 aspirants ang ipinakilala sa “It’s Showtime” noong Enero. Makalipas ang ilang buwang pagtatagisan ng mga talento, lumiit noong Marso ang bilang ng aspirants sa 48.

ADVERTISEMENT
Pero nitong Sabado, ibinunyag na madadagdagan sila ng mga bagong aspirant na kinuha mula sa mga lihim na audition. Aakyat muli sa 75 ang bilang ng mga aspirant, na pagpipilian para sa “general election” o iyong huling botohan para sa final line-up ng mga miyembro na idaraos sa Abril 28.

Ang final line-up ng MNL48 ay bunga ng pinagsamang mga boto ng mga manonood sa MNL48 app, at desisyon ng mga kinatawan mula ABS-CBN, HalloHallo Entertainment na nangangasiwa sa MNL48 dito sa bansa, at AKS Company na talent agency ng AKB48 sa Japan.

Ang makasusungkit ng puwesto sa Top 7 ay ipadadala sa Japan upang magsanay kasama ang AKB48.

Bukod sa malaking bilang ng mga miyembro, natatangi rin ang AKB48 dahil sa konsepto nitong “idols you can meet.” Mayroon kasi silang theater o gusali kung saan sila nagtatanghal araw-araw at maaari silang makasalamuha ng mga tagahanga.

Milyon-milyong album na rin ang naibenta ng grupo. Kilala na sila sa Asya at umaabot pa ang katanyagan sa ibang bahagi ng mundo.

Kabilang sa mga bansang may mga sister group ang Taiwan, Thailand, at Indonesia. Nakatakda ring maglunsad ng mga grupo sa India at South Korea.

Ayon kay Angelica Tan, production head ng MNL48, tapat ang mga tagahanga ng AKB48 sa puntong maging ang mga sister group nito ay sinusuportahan nila.

"Malaki ang at stake dito. It's not just being known here, it's also gaining fans from all over... kasi ang lahat ng fans ng AKB48, pati sister groups damay-damay," paliwanag ni Tan.

Ayon pa kay Tan, nasa P100 milyon na ang nagagastos sa pagbuo sa grupo. Kabilang dito ang gastos sa ground audition na idinaos sa iba't ibang panig ng bansa, mga pangangailangan ng mga aspirant, at paglipad sa ilang miyembro ng AKB48 dito sa bansa.

Hindi pa anila kasama rito iyong general election, pagsasanay ng mga magwawagi, at pagtatayo ng theater ng MNL48 sa Pilipinas.

ASPIRANTS, TRAINING
Sariwa pa kay Ashley “Ash” Garcia ang sandaling nalaman niya noong Enero na siya’y isa sa top 200 na napili mula sa libo-libong nagtangkang sumali sa MNL48.

“Nasa bus pa ako noon so parang ang liit ng boses ko kasi ‘yong mga tao baka maingayan sa ’kin,” kuwento ni Garcia. “Parang kung ikaw iyong nakikinig sa ’kin [sasabihin mo], ‘natutuwa ba talaga ‘to?’”

Batid ng 19 anyos na isang hakbang iyon papalapit sa kaniyang pangarap na maging miyembro ng “sister group” ng kaniyang iniidolong AKB48.

Taong 2012 nang makilala ni Garcia ang AKB48 dahil sa kaniyang pagkahumaling sa popular na kultura at musika ng Japan. Isa siya sa mga unang lumahok sa online audition ng “Pinoy version” ng AKB48 mula nang una itong isapubliko noong katapusan ng 2016.

Inamin ng mga aspirant na hindi bihasa ang lahat sa kanila sa pagkanta at pagsayaw subalit pursigido silang magpakadalubhasa sa pamamagitan ng pagsasanay.

“Dancing po talaga ako... 'yong kanta 'di po ako gaano kagaling. Ngayon na na-try namin, kaya ko naman, 'di naman ako pumipiyok,” anang aspirant na si Sayaka Awane.

Pero hindi lang kakayahang kumanta o sumayaw ang sinasanay sa mga nagnanais maging idolo. Maging ang mga pagkatao nila’y hinuhulma para mapanatili nila ang malinis na imahe at pagiging mabuting halimbawa sa mga kabataang nais nilang maging mga tagahanga.

Kaya maging pisikal na anyo, pagkilos, pananalita, pananamit, at pakikitungo sa ibang tao ay pinauunlad din sa mga aspirant. Sa katunayan, gaya ng mga J-pop at K-pop idol, mayroon silang “love ban” o iyong pagbabawal na magkaroon ng nobyo.

“Kailangan kung ini-idolize ka kasi, idol ka in the truest sense of the word. 'Di ka loud, medyo 'yong kilos mo ay kagalang-galang, wala ka dapat eskandalo sa buhay,” paliwanag ni Tan.

“Selosa ang mga fans. They want pristine image kasi they idolize these girls and respect them so much,” dagdag pa niya.

Isa sa mga naging kontrobersiyal na miyembro ng AKB48 noong 2013 ay si Minami Minegishi. Naglabas siya ng video na humihingi ng tawad sa mga tagahanga at kinalbo pa ang kaniyang sarili upang ipahayag ang pagsisisi matapos makuhanan ng mga retratong palabas mula sa apartment ng isang lalaking idol.

Pagbabawalan din ang mga magiging miyembro ng MNL48 na humawak ng sariling social media accounts. Sa halip, ang kanilang management team ang bahala rito.

Hindi naman ramdam ng aspirant na si Shekinah “Sheki” Arzaga na sila’y pinaghihigpitan dahil sa mga ganitong patakaran.

“Nu’ng tinuturuan kami ng actions, mas nagugustuhan ko kasi parang, tama, dapat gano'n pala 'yong tama kong i-act. Mas okay siya sa paningin ng tao,” aniya.

Nauunawaan naman ng aspirant na si Awane na kapag siya’y nanalo ay magiging abala siya sa aktibidad ng grupo.
Nauunawaan naman ng aspirant na si Awane na kapag siya’y nanalo ay magiging abala siya sa aktibidad ng grupo.
ADVERTISEMENT
"Mahirap sa 'kin na medyo mapalayo [sa family] lalo kung makakapasok ako pero dream ko 'to so i-go-go ko talaga siya kasi ngayon ko lang ma-experience," ani Awane.

Bukod sa pagkakaroon ng karera bilang performers, may mga contract deal na ring nakaabang sa MNL48 para maging mga mukha ng malalaking Japanese companies at fashion brands dito sa bansa. Mabibigyan din sila ng pagkakataong makapagtanghal sa ibang bansa kasama ang AKB48 at iba pang sister groups.

MUSIKA
Hindi pa tiyak kung maglalabas ng orihinal na mga kanta ang MNL48 pero magsisimula sila sa pagsalin ng mga kanta ng AKB48 para ilapit ang mga Japanese songs sa mga Pinoy.

Inilarawan ito ng MNL48 project manager na si Pearl Rubio bilang “J-pop with Pinoy flavor.”

Dagdag pa ni Tan, madaling magustuhan ang musika ng AKB48 dahil sa mga magaganda nitong mensahe.
Dagdag pa ni Tan, madaling magustuhan ang musika ng AKB48 dahil sa mga magaganda nitong mensahe.
ADVERTISEMENT
“If you really study music ng J-pop, marami magaganda, even 'yong meaning ng mga song ang gaganda. Parang positive, about falling in love, may pang-teenagers,” ani Tan.

Isa sa mga pinakatanyag na awitin ng AKB48 ay ang “Koisuru Fortune Cookie,” na nanguna sa Billboard Japan Hot 100. Tinatalakay nito ang pagkakaroon ng positibong pananaw sa kabila ng pagiging bigo sa pag-ibig.

Bagaman tila napakalaking konsepto ang hatid ng MNL48 para agarang ipalunok sa publiko rito, lalo iyong mga hindi pamilyar sa kultura ng J-pop at K-pop, kumpiyansa ang mga tao sa likod ng MNL48 na matututunan din ng mga Pinoy na tangkilikin ang grupo.

“Mayroon naman talagang fans ang AKB48 dito sa Philippines. It's a small group but it's a very solid group. This group, it’s a spending fan. Pero ngayon with ‘Showtime,’ siyempre mas lumawak na ang fan base,” sabi ni Tan.

Kuwento ng aspirant na si Garcia, bagaman noong una’y hindi naging maganda ang pagtanggap sa kanila ng publiko pero unti-unti itong nagbago nang mabigyan silang mga aspirant ng pagkakataong maipakita ang kanilang mga kakayahan.

“It's a foreign concept so understandable sa 'kin na ganoon tingin sa amin pero as the weeks go by, people are starting to become supportive. They're warming up to the idea,” aniya.