Ricky Lee binunyag kung sino ang pumatay kay Elsa sa 'Himala' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Ricky Lee binunyag kung sino ang pumatay kay Elsa sa 'Himala'

Ricky Lee binunyag kung sino ang pumatay kay Elsa sa 'Himala'

ABS-CBN News

Clipboard

ABS-CBN Star Cinema.
Si Nora Aunor bilang Elsa sa 'Himala.' Screenshot mula sa ABS-CBN Star Cinema.

MAYNILA — "It can be anybody."

Ito ang ilan sa mga detalyeng binigay ng National Artist na si Ricky Lee kung sino ba talaga ang pumatay sa pangunahing karakter na si Elsa sa "Himala" matapos ang kanyang rebelasyon sa pelikula.

Sa direksyon ni Ishmael Bernal at panulat ni Lee, bumida sa "Himala" si Nora Aunor bilang Elsa na umano'y nakita ang aparisyon ng Birheng Maria at naging faith healer.

Nanalo ang pelikula ng iba't ibang award at naging unang Filipino film na napabilang sa Berlin International Film Festival.

ADVERTISEMENT

Sa TikTok video ng Cultural Center of the Philippines, sinabi ni Lee na ang mga taong ayaw makarinig kay Elsa ang pumatay sa kanya.

Inamin ni Elsa sa huling bahagi ng pelikula na hindi talaga siya nakakapagpagaling at wala ring katotohanan ang mga nasabi niya noon. Matapos ang rebelasyon, isang hindi kilalang tao ang bumaril kay Elsa at nagkaroon ng stampede.

"Hindi niya sinadya. Subconciously nag-imbento siya ng himala. So, gumamit siya ng kasinungalingan. Ang pumatay sa kanya, ang mga taong ayaw makarinig ng katotohanan," ani Lee.

"In the case doon sa last part, sinabi ng government official na hulihin ang kung sinumang magsasalita, laban sa gobyerno, laban sa akin, laban sa Diyos, hindi niya rin tanggap ang katotohanan," dagdag pa niya.

Paliwanag pa niya, bahagi rin ang mga nagpapagamot na maaaring pumatay kay Elsa dahil sa kasinungalingan sila kumakapit para mabuhay.

"Karamihan ng masang nandoon nagpapagamot, ayaw nila ng katotohanan dahil hindi na nila kayang mag-survive sa gutom at sa hirap ng buhay," saad ng may-akda at screenplay ng pelikula.

"Maski na kasinungalingan, kakapit sila kaya nung bibigyan ng katotohanan, gusto nila 'yung false news muna, fake news muna kasi that's how they survive," dagdag pa niya.

Dagdag pa niya, kasabwat din sa pagpatay ang mga manonood dahil wala silang ginawa.

"Kasabwat sa pumatay kay Elsa 'yung audience kasi 'yung kamay ng baril galing sa audience, hindi sa characters, galing sa audience. Tayong nanonood sa mga nakikita nating pagpatay at wala tayong ginagawa, kasabwat tayo," aniya.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.