'Baby Giant' Renz Baña, muntik nang hindi makasama sa 'Batang Quiapo' | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Baby Giant' Renz Baña, muntik nang hindi makasama sa 'Batang Quiapo'

'Baby Giant' Renz Baña, muntik nang hindi makasama sa 'Batang Quiapo'

ABS-CBN News

Clipboard

Screenshot mula sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano.
Screenshot mula sa YouTube channel ni Bernadette Sembrano.

MAYNILA — Binunyag ni Renz Joshua Baña o mas kilala bilang "Baby Giant" na muntik na siyang hindi mapasama sa "FPJ's Batang Quiapo."

Sa vlog ni Bernadette Sembrano, inamin ni Baña na hindi siya ang orihinal na napili para sa karakter na Oweng sa serye pero kalaunan ay tinawagan siya para sa role.

"Napunta po sa 'kin 'yung opportunity po," masayang sambit ng aktor.

Kwento ng aktor, siya ay tubong Antique at nabubuhay ang pamilya nila sa pagsasaka at pangingisda.

ADVERTISEMENT

Siya ang panganay sa 5 na magkakapatid at sinubukang makipagsapalaran sa Maynila matapos maging sikat sa kanyang mga TikTok videos.

"Sobrang hirap po talaga, kayod nang kayod po talaga. 'Yun po 'yung mahirap talaga 'yung sabay-sabay po kaming nag-aaral, tapos 'yung pinagkukunan po ng mga baon namin at saka pagkain namin sa araw-araw," ani Baña.

"Mahiyain pa 'ko dati nun eh pero sabi niya (ng pinsan ko), gawa tayo, 'wag kang mahiya, kaya mo 'yan," dagdag pa niya.

May scholarship noon si Baña sa kursong information technology pero tumigil siya ng pag-aaral. Naging viral ang kanyang mga videos sa TikTok dahil sa kanyang mga kwelang adventures.

Sa ngayon, masaya si Baña na mapabilang sa "FPJ's Batang Quiapo."

ADVERTISEMENT

"Nakakapunta po ako kung saan-saan, ang sarap sa pakiramdam. Dati napapanood ko lang 'yun (Coco Martin) sa mga teleserye niya, sa mga pelikula niya (tapos ngayon) nakaharap ko na. Tuwang-tuwa ako roon," ani Baña.

"Iba rin 'yung pakiramdam eh na 'yung mga sikat pina-follow 'yung video mo. Sobrang saya ko po talaga," dagdag pa niya.

Hiling ng TikTok star na mailipat ang pamilya rito sa Maynila.

"Pangangalagaan po namin 'yun, magiging responsable po kami, (may) respeto sa mga kapwa namin staff, artists, lahat po ng mga talent na nandiyan, pati 'yung mga directors," aniya.

"Isa po sa mga pangarap ko sa buhay 'yung magkaroon ako ng bahay dito sa Maynila kukunin ko sila (pamilya) sa probinsya, lilipat ko sila rito ...Gusto rin nila ng bagong buhay."

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.