'PBB Otso' ex-housemate Mary Grace, may panawagan kay Coco Martin | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'PBB Otso' ex-housemate Mary Grace, may panawagan kay Coco Martin

'PBB Otso' ex-housemate Mary Grace, may panawagan kay Coco Martin

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MANILA -- May panawagan ang "Pinoy Big Brother: Otso" ex-housemate na si Mary Grace Lagos sa aktor na si Coco Martin.

Sa "Tonight With Boy Abunda" nitong Miyerkoles, ibinahagi ni Mary Grace ang pangarap na magkaroon ng break sa showbiz pagkatapos niyang mapalabas sa Bahay ni Kuya.

At kung may pagkakataon, gusto niyang maging parte ng sikat na serye sa ABS-CBN na "FPJ's Ang Probinsyano" kung saan ang kanyang idolong si Coco ang bida.

"Kung may offer sa showbiz, baka, di ba? Kahit patayin lang ako sa 'Scene of the Crime Operatives,' puwede na ako. Sabi ko nga, nananawagan ako kay Coco Martin... [kahit] tagaluto ng mga rebelde, magaling akong magluto eh," aniya.

ADVERTISEMENT

"Ayaw ko nang mag-domestic helper kung puwede lang, hindi ba? Napasma na itong kamay ko," paliwanag niya.

Kilala ang seryeng "Ang Probinsyano" sa pagbibigay ng pagkakataon sa parehong beterano at baguhang artista.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.