‘Para kay Gabb’: Housemates ipinanalo ang sacrifice task para makatulong | ABS-CBN

HEADLINES:
|

ADVERTISEMENT

HEADLINES:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Para kay Gabb’: Housemates ipinanalo ang sacrifice task para makatulong

‘Para kay Gabb’: Housemates ipinanalo ang sacrifice task para makatulong

ABS-CBN News

Clipboard

Mula sa Kapamilya Online Live
Mula sa Kapamilya Online Live

Matagal man bago natapos ang hamon, napagtagumpayan pa rin ng tatlong teen housemates ng “Pinoy Big Brother” ang sacrifice task na ibinigay ni Kuya para matulungan ang isang kasamahan.

Matapos maantig sa kuwento ng buhay ni Gabb Skribikin na may amang nakikipaglaban sa sakit, buong tapang na tinanggap nina Dustine Mayores at Luke Alford ang hamon ni Big Brother na gawin ang isang task.

Ayon sa dalawang housemate, hindi nila napigilang maluha nang ibahagi ni Skribikin ang kalagayan ng kanilang pamilya.

Napili rin nina Mayores at Alford si Paolo Alcantara na tulungan sila sa task kung saang kailangan nilang maka-shoot ng layup, freethrow, three-point basket, at half-court shot nang walang mintis kasama si Skribikin.

ADVERTISEMENT

Kailangan magawa ng apat na players ng limang beses ang rotation upang tuluyang magantimpalaan ang magulang ng kasama sa loob ng bahay.

Labis na nahirapan ang mga ito sa nasabing pagsubok.

Matapos ang isang oras at 40 minuto, nagawang makumpleto ng mga ito sa unang pagkakataon ang apat na tira.

Dala ng pagod, nagpalit na sina Mayores at Alford ng posisyon upang maabot ang limang puntos. Ngunit kinailangan pa rin nila ng higit tatlong oras upang umabot sa 4 points.

Dahil sa tagal ng mga ito, tinanong na ni Big Brother kung tatapusin pa ba nila ang pagsubok. Mabilis namang sumang-ayon ang mga housemates.

Makalipas ang halos limang oras, natapos din ng mga housemates ang hamon. Bumuhos naman ang luha ni Gabb nang aminin na sa kaniyang ng tatlong kasama na para sa kaniyang magulang ang task.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.