'PBB': Teen housemates hindi pa papasok sa Bahay ni Kuya, nahati sa 2 camps | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'PBB': Teen housemates hindi pa papasok sa Bahay ni Kuya, nahati sa 2 camps

'PBB': Teen housemates hindi pa papasok sa Bahay ni Kuya, nahati sa 2 camps

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA — Nahati sa dalawang camps ang teen housemates “Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10” sa pagsisimula ng kanilang edisyon ngayong Linggo.

Bago tuluyang makapasok sa Bahay ni Kuya, mananatili muna sa kabundukan ang mga teen housemates at haharap sa iba't ibang hamon sa kanilang camping trip.

Ang 11 na mga housemates ay mahahati sa dalawang camps, ang Camp Masagana at Camp Matiyaga, sa pagpili ng kanilang mga sash.

Sina Maxine Trinidad, Gabb Skribikin, Dustine Mayores, Eslam El Gohari, at Rob Blackburn ang nakapili ng purple sash at mapupunta sa Camp Masagana.

ADVERTISEMENT

Nakahanda na sa Camp Masagana ang lahat ng kanilang kailangan kabilang na ang pagkain at pagtutulugan.

Mapupunta naman sa Camp Matiyaga ang natitirang teen housemates na sina Ashton Salvador, Don Hilario, Kai Espenido, Luke Alford, Stef Draper, at Tiff Ronato.

Kinakailangang paghandaan ng Camp Matiyaga ang lahat ng kanilang pangangailangan mula sa pagkain hanggang sa matutuluyan sa pagtulog.

Mapapanood ang “PBB” araw-araw sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z Channel 11, iWantTFC, at TFC. Mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.