PatrolPH

Mister ni Ai Ai delas Alas na si Gerald Sibayan, piloto na

ABS-CBN News

Posted at Mar 12 2020 03:13 PM

MAYNILA -- Hindi maitago ni Ai Ai delas Alas ang saya dahil ganap na piloto na ang kanyang asawang si Gerald Sibayan. 

Nitong Martes sa Subic, matapos ang higit isang taong pag-aaral, natanggap na ni Gerald ang kanyang diploma bilang parte ng Batch 2018 Quebec.

Maliban kay Ai Ai, kasama rin nila sa graduation ceremony ni Gerald ang kanilang anak na si Seth Andrei. Naroon din ang mga magulang ni Gerald.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by AIAI DELAS ALAS (@msaiaidelasalas) on

"I am so proud of you my husband .. salamat sa tyaga at dedication mo pagiging piloto mo .. masayang masaya ako dahil parate mong naiisip ang future naten ..and sabi nga 'the future belongs to those who believe in the beauty of their dreams' .. na fulfill ko na ang dream mo kaya fly high my love," ani Ai Ai sa kanyang post sa Instagram.

Ibinahagi rin ni Gerald ang pasasalamat kay Ai Ai dahil sa suporta nito sa kanya.

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Gerald P. Sibayan (@gerald_sibayan) on

"Thank you so much my wife sa pagiging supportive mo sa 'kin sa lahat ng gusto ko mangyari at mangyari sa buhay natin," ani Gerald.

Disyembre 2017 nang ikasal sina Ai Ai at Gerald matapos ang tatlong taon nilang relasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.