'PBB': Adult housemates pinili ang hindi pinagkakatiwalaan sa bahay | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
'PBB': Adult housemates pinili ang hindi pinagkakatiwalaan sa bahay

ABS-CBN News
Published Mar 09, 2022 08:22 PM PHT

MAYNILA — Pinapili ang adult housemates ng "Pinoy Big Brother: Kumunity Season 10" kung sino ang hindi nila pinagkakatiwalaan sa loob ng bahay.

Sa Wednesday episode nito, humingi ng tawad si Isabel Laohoo at nangakong babantayan na niya ang kanyang gold bars matapos itong manakaw sa kanya.

"Minsan ka nang nanakawan at disappointed ako dahil hinayaan mo ulit na mangyari ito matapos ang isang buong araw na pagsasabi na babantayan mo na ito. Hindi mo pinapahalagahan ‘yung premyo at ‘yung responsibilidad na ibinigay ko sa iyo," ani Kuya.

"Bantayan ko na po talaga, Kuya, hanggang matulog, Kuya. This time around po, Kuya. Kuya, I’m sorry po," tugon ni Laohoo.

ADVERTISEMENT
Inamin nina Laohoo, Seham Daghlas, Michael Ver Comaling, at Zach Guerrero na hindi nila pinagkakatiwalaan si Nathan Juane.

Pinili naman ni Juane si Guerrero dahil umano sa pagiging tahimik at reserved nito.

Binigyan din naman ng pagkakataon ni Kuya ang mga housemates na piliin kung sino ang mga pinakapinagkakatiwalaan nila sa bahay.

Si Daghlas ay napili nina Laohoo, Comaling at Guerrero, at si Laohoo ang napili nina Daghlas at Juane.

Samantala, pinakilala naman sina Don Hilario, ang Lola’s Boy Galing ng Laguna, at si Rob Blackburn, ang Traveling Wonder Lad ng Laguna, bilang bagong official teen housemates.

KAUGNAY NA ULAT:
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT