Charo Santos, may pasilip sa horror movie na 'Eerie'

ABS-CBN News

Posted at Mar 07 2019 11:48 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA -- Hindi pa man ipinapalabas sa mga sinehan ang pelikulang "Eerie" ay nagpatikim na agad si Charo Santos ng ilang piling eksena mula sa inaabangang horror movie.

Sa Instagram, inilabas ang ilang video kung saan ibinahagi niya ang ilang makapanindig-balahibong mga linya sa pelikula kung saan kasama niya ang aktres na si Bea Alonzo.

Ipapalabas na ang "Eerie" sa Marso 27.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.