'Batang Quiapo': Tindeng, napaaway kay Roda | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Batang Quiapo': Tindeng, napaaway kay Roda

'Batang Quiapo': Tindeng, napaaway kay Roda

ABS-CBN News

Clipboard

Tindeng (Charo Santos) at Roda (Joel Lamangan) sa latest episode ng
Roda (Joel Lamangan) at Tindeng (Charo Santos) sa latest episode ng 'FPJ's Batang Quiapo' nitong Pebrero 27, 2023. ABS-CBN.

Naubos ang pasensiya ni Tindeng (Charo Santos) kay Roda (Joel Lamangan) at nakipag-away sa latest episode ng "FPJ's Batang Quiapo" nitong Lunes.

Bitbit ang mga barangay tanod, gusto nang palayasin ni Roda sina Tindeng at Nita (Susan Africa) sa kanilang pwesto.

Nakiusap naman si Marites (Cherry Pie Picache) na magbigay ng palugit pero humingi ng kundisyon si Roda.

Unang kundisyon ni Roda ay lumuhod si Tindeng at sinunod ito ng matanda pero nang utusang halikan ang paa iba ang ginawa niya.

ADVERTISEMENT

Kumuha ng bato si Tindeng at pinukpok si Roda, dahilan para mainis lalo ang nagpapaupa.

Samantala, determinado naman si Ramon (Christopher De Leon) na hanapin ang kanyang anak at nakaantabay naman si Rigor (John Estrada) sa pagbabalik ng katunggali sa Quiapo.

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.