Arjo Atayde, iginiit na biruan lang ang 'buhusan' sa set ng 'Probinsyano'

ABS-CBN News

Posted at Feb 27 2020 11:36 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA -- Nilinaw ni Arjo Atayde na katuwaan lang ang nangyaring buhusan sa taping ng "FPJ's Ang Probinsyano" na pinagbibidahan ni Coco Martin.

Ayon kay Arjo, nakita niya ito sa set. Pero giit niya, for fun o biruan lang ito ng staff.

Dagdag pa ni Arjo, hindi dapat maging isyu ito sa mga nakatrabaho ni Coco dahil matagal nang kasama ng aktor ang mga nakakabiruan niya sa set. -- Umagang Kay Ganda, Pebrero 27, 2020

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.