'Batang Quiapo': Sugatang Tanggol napag-initan na naman ni Rigor | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Batang Quiapo': Sugatang Tanggol napag-initan na naman ni Rigor

'Batang Quiapo': Sugatang Tanggol napag-initan na naman ni Rigor

ABS-CBN News

Clipboard

Yakap-yakap ni Tindeng (Charo Santos) si Tanggol (Coco Martin) matapos siyang saktan ni Rigor (John Estrada) sa
Yakap-yakap ni Tindeng (Charo Santos) si Tanggol (Coco Martin) matapos siyang saktan ni Rigor (John Estrada) sa "FPJ's Batang Quiapo." ABS-CBN

MAYNILA — Napag-initan na naman si Tanggol (Coco Martin) ni Rigor (John Estrada) matapos madiskubreng nabaril ito sa sagupaan laban sa mga taga-Tondo sa latest episode ng "FPJ's Batang Quiapo" nitong Biyernes.

Takot na mahuli ng amain, agad na umuwi si Tanggol sa kanilang bahay at inamin kay Tindeng (Charo Santos) na nais niya lang tulungan ang mga biktimang pasahero.

Pagkagising naman ay naghinala si Rigor sa disoras na pagdating ni Tanggol at naghinala ring nasangkot na naman ito sa krimen.

Nang makita ang sugat, agad niyang sinipa si Tanggol at pinag-initan na naman ang bida.

ADVERTISEMENT

Agad naman lumapit si Tindeng at pinagtanggol ang kanyang apo na wala namang ginawang masama.

"Walang masamang ginawa si Tanggol, wala siyang ginawa," depensa ni Tindeng (Charo Santos) sa kanyang apo.

Samantala, nawala ng tiwala si Don Julio (Tommy Abuel) kay Olga (Irma Adlawan) matapos malamang nilihim niyang may anak si Ramon (Christopher De Leon).

Naghahanda naman si Supremo (Lito Lapid) sa planong paghihiganti sa mga nakalaban niya noon.

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

KAUGNAY NA ULAT:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.