PatrolPH

'Batang Quiapo': Karakter ni RK Bagatsing, ipinakilala na

ABS-CBN News

Posted at Feb 22 2023 10:24 PM

ABS-CBN.
Si RK Bagatsing bilang Greg sa 'FPJ's Batang Quiapo' nitong Miyerkoles. ABS-CBN.

Ipinakilala na ang karakter ni RK Bagatsing sa "FPJ's Batang Quiapo" at ang kanyang magiging papel sa pamilya nina Ramon (Christopher De Leon), sa episode ng programa nitong Miyerkoles.

Sa kanyang pagpasok sa eksena, nakasama niya ang kanyang inang si Olga (Irma Adlawan), na galit sa pagbabalik ni Ramon. 

Kinausap naman niya ang kanyang lolo (Tommy Abuel) at sinigurado na mananatili pa rin sila sa serbisyo. 

Kilala si Bagatsing sa kanyang role bilang Arnaldo Ardiente Torillo sa "Wildflower" noong 2017 hanggang 2018.

Huli siyang nakita sa telebisyon bilang Billy sa "Maalaala Mo Kaya" episode na "Medalyon." 

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.