'Batang Quiapo': Marites, nagimbal sa pagbabalik ni Ramon | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Showbiz

'Batang Quiapo': Marites, nagimbal sa pagbabalik ni Ramon

'Batang Quiapo': Marites, nagimbal sa pagbabalik ni Ramon

ABS-CBN News

Clipboard

Nagulantang si Marites (Cherry Pie Picache) sa pagbabalik ni Ramon (Christopher De Leon) sa isang eksena sa
Nagulantang si Marites (Cherry Pie Picache) sa pagbabalik ni Ramon (Christopher De Leon) sa isang eksena sa 'FPJ's Batang Quiapo.' ABS-CBN

Nagimbal si Marites (Cherry Pie Picache) nang makita si Ramon (Christopher de Leon) sa balita sa latest episode ng “FPJ’s Batang Quiapo” nitong Lunes.

Napapunas siya ng luha at naalala ang ginawang panggagahasa ni Ramon sa kanya nang malaman na nakatakas na ito sa piitan

Hindi naman siya mapakali nang makita ang anak na si Tanggol (Coco Martin) sa bilyaran at agad na pinuntahan ang kanyang ina (Charo Santos) para humingi ng saklolo.

“‘Yung lalaking nanggagahasa sa’kin nakatakas na. Ang kinakatakot ko lang naman baka totohanin niya ‘yung sinabi niya noon na babawiin niya sa’kin si Tanggol,” ani Marites.

ADVERTISEMENT

Tugon naman ni Tindeng: “Huwag naman sana kasi ‘pag nangyari ‘yon lalo lamang masisira ang buhay ni Tanggol. Sana naman mahuli na siya ng mga pulis bago niya maisipang kuhain si Tanggol.”

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.