PatrolPH

Gloc-9, naglabas ng 6 na bagong awitin sa loob ng 6 na araw

ABS-CBN News

Posted at Feb 19 2021 01:41 PM

MANILA -- Anim na bagong kanta ang inilabas ng OPM rapper na si Gloc-9 sa loob ng anim na araw na nagsimula nitong Linggo, Pebrero 14.

Ang mga awitin ang bumuo sa pinakabagong album ni Gloc-9 na may pamagat na "Poot at Pag-Ibig."

Sa mismong Araw ng mga Puso, inilabas ni Gloc-9 ang awiting "Alitaptap" sa kanyang YouTube page. Sinundan ito ng "Di Marunong (feat. Kxle)." 

Nitong Martes, inilabas ang "Sana (featuring elle shaun at Arvy T)." Sa sumunod na araw ay inilabas naman ang "Payong (featuring Perf De Castro)." Huwebes nang ilabas ang awiting "Oka (featuring Loir) na sinundan ng "BPB (featuring Yeoj of Sandiwa) nitong Biyernes.

Si Gloc-9 ay kilala sa kanyang mga awiting tulad ng "Lando," "Upuan," at "Sirena."
 
Narito ang anim na mga bagong awitin ni Gloc-9 tungkol sa iba't ibang klase ng "poot at pag-ibig." 

Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.