‘Batang Quiapo’: Tanggol bugbog-sarado kay Rigor matapos madawit sa gulo | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

‘Batang Quiapo’: Tanggol bugbog-sarado kay Rigor matapos madawit sa gulo

‘Batang Quiapo’: Tanggol bugbog-sarado kay Rigor matapos madawit sa gulo

ABS-CBN News

Clipboard

Mula sa ABS-CBN Entertainment
Mula sa ABS-CBN Entertainment

MAYNILA – Nakatikim ng maraming suntok si Tanggol (Coco Martin) mula sa kaniyang amain na si Rigor (John Estrada) matapos masangkot muli sa isang gulo sa kanilang lugar.

Magmamano lamang sana si Tanggol nang dumating sa kanilang bahay nang pagsusuntukin ni Rigor na nakikipag-inuman sa kapwa pulis sa tapat ng kanilang bahay.

Ito ay matapos isumbong ng kapatid na si David (McCoy de Leon) sa ama na nagpasimuno umano ng gulo sa basketball court ang kaniyang kuya.

Mabilis namang bumaba ng bahay sina Marites (Cherry Pie Picache) at Tindeng (Charo Santos) upang awatin ang galit na galit na si Rigor.

ADVERTISEMENT

Pinagsabihan ni Marites ang asawa na sana’y pinagsabihan na lamang si Tanggol ngunit lalo itong ikinagalit ng pulis lalo pa’t anak ito sa labas ng kaniyang asawa. Si Tanggol ang bunga ng panggagahasa ni Ramon kay Marites noon.

Watch more News on iWantTFC

Nilinaw naman ng isa pang kapatid ni Tanggol na si Santino na hindi ang kaniyang kuya ang nagsimula ng gulo sa court. Ipinagtanggol lamang umano siya nito nang matalo sa boksing.

Hindi ito ang unang beses na sinaktan ni Rigor si Tanggol dahil mula pa lamang sa pagkapanganak dito ay mainit na ang kaniyang dugo.

Nagbanta rin siya kay Marites na kung hindi magbabago si Tanggol ay siya mismo ang magpapakulong dito.

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

KAUGNAY NA BALITA:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.