'Batang Quiapo': Coco Martin ipinakilala na bilang Tanggol | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Batang Quiapo': Coco Martin ipinakilala na bilang Tanggol

'Batang Quiapo': Coco Martin ipinakilala na bilang Tanggol

ABS-CBN News

Clipboard

Unang sulyap kay Coco Martin bilang Tanggol sa
Unang sulyap kay Coco Martin bilang Tanggol sa "FPJ's Batang Quiapo" sa ikalawang episode nitong Pebrero 14, 2023. Screenshot mula sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.

MAYNILA -- Ipinakilala na si Coco Martin bilang Tanggol sa ikalawang episode ng "FPJ's Batang Quiapo" nitong Martes.

Sa kanyang unang salang, ninakawan ni Tanggol ang isang babae ng mga alahas at ipinakita ang kanyang angas sa pagtakas sa mga pulis.

"Sa mundong masalimuot, tulad ng Quiapo, pakikibaka sa buhay ang kailangang harapin sa araw-araw para ika'y mabuhay," ani Tanggol.

"Kailangan matuto kang dumiskarte at hindi magpapaapi. Kailangan maging magulang ka at hindi magpapaisa kaya hindi mo na iisipin ang iba para lang mabuhay ka."

ADVERTISEMENT

Nang umakyat sa isang bahay, akala ng mga pulis ay mahuhuli na nila ang snatcher pero lumabas si Ama (Rez Cortez) kasama ang isang grupo ng mga Muslim na may mga baril din.

Binigyan ni Fatima (Sarah Edwards) si Tanggol ng bagong damit at may mga pangaral naman si Ama sa lalaki: "Ang mabuti, tumutulong ka sa kapwa mo. Muslim man o Kristiyano."

Dinala nila ang alahas kay Lucio (Ronnie Lazaro) pero naisahan sila nito at nabenta lamang ng P2,000.

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.