'Batang Quiapo' pilot: Karakter ni Coco na si Tanggol, isinilang na | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

'Batang Quiapo' pilot: Karakter ni Coco na si Tanggol, isinilang na

'Batang Quiapo' pilot: Karakter ni Coco na si Tanggol, isinilang na

Josiah Antonio,

ABS-CBN News

Clipboard

Isinilang ni Marites (Miles Ocampo) si Tanggol sa pilot episode ng
Isinilang ni Marites (Miles Ocampo) si Tanggol sa pilot episode ng 'FPJ's Batang Quiapo' nitong Pebrero 13, 2023. ABS-CBN

MAYNILA -- Isinilang ni Marites (Miles Ocampo) si Tanggol sa kabila ng pagdadalawang-isip nito na ipalaglag ang bata sa pilot episode ng "FPJ's Batang Quiapo" nitong Lunes.

Sa unang episode ng show, tumakas mula sa otoridad si Ramon (Coco Martin) matapos mabigo sa kanyang plano pagnanakaw kasama si Olga (Ryza Cenon).

Hinabol ni Rigor (Ejay Falcon) si Ramon pero natyempuhan nito ang tahanan ni Marites. Sa desperasyon na manatili ang linya ng kanyang pamilya, ginahasa niya ang babae at pinangakong kukuhain ang anak.

Plano sana ni Marites na ipalaglag ang bata pero napigilan siya ng ina niyang si Tindeng (Precious Lara Quigaman) na ituloy ito.

ADVERTISEMENT

Samantala, binisita ni Olga ang kapatid na si Ramon sa piitan, kung saan nalaman niyang may inanakan ito. Hinanap ni Olga ang anak ni Marites sa pagnanais na makuha ang lahat ng yaman ng kanilang pamilya.

Biglang namang nanganak si Marites habang nagititinda palengke. Doon, tinangkang nakawin ni Olga si Tanggol pero inagaw muli ni Marites ang bata.

Mapapanood ang "FPJ's Batang Quiapo" mula Lunes hanggang Biyernes, 8 p.m. sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC.

RELATED VIDEO:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.