Tanggol at Mokang ng FPJ classic na Batang Quiapo, malapit nang makilala | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Tanggol at Mokang ng FPJ classic na Batang Quiapo, malapit nang makilala

Tanggol at Mokang ng FPJ classic na Batang Quiapo, malapit nang makilala

Annalyn 'Apol' Mabini | TFC News

Clipboard

PHILIPPINES - Malapit nang mapanood ang kaabang-abang na pagbabalik ng Batang Quiapo sa pamamagitan ng seryeng tampok si Coco Martin bilang si Tanggol at Lovi Poe bilang si Mokang.

Ang orihinal na action-comedy film na Batang Quiapo ay pinagbidahan noong 1986 ng ama ni Poe na si FPJ o Fernando Poe, Jr. kasama si Maricel Soriano.

Watch more News on iWantTFC

Ibinahagi ng isa sa mga direktor ng serye na si Malu Sevilla sa grand mediacon na ginanap noong February 7, 2023 ang pagkakaiba at pagkakapareho ng orihinal na pelikulang Batang Quiapo sa seryeng nilikha ni Martin para sa telebisyon

“Ang kwento kasi ng Batang Quiapo the film is different from our Batang Quiapo. This is a homage to FPJ...ang similar sa film at sa series namin is about a person who wants to change. This is a classic story of good and bad, kasi every person has the choice to do good or to do bad...it is an homage to FPJ and his body of work but this is an entirely different story, from the creator, Coco Martin which we hope the people will come to love as well,” sabi ni Sevilla.

ADVERTISEMENT

Batang Quiapo
Ang powerhouse cast ng seryeng Batang Quiapo sa ginanap na grand mediacon noong February 7, 2023

Isa rin sa mga direktor ng serye si Martin at ikuwento niyang hindi madali ang pagmumulti-tasking bilang isang artista, direktor at producer.

“Ang problema ko sa sitwasyon ko ngayon, nahahati ako kasi ako yung artista, ako rin yung nag-iisip ng kwento, minsan ako rin yung nagsusulat, ako rin yung nagdidirek, tapos ako rin ang naglaline prod ng production na to, ang nangyayari, magkakalaban siya. Ang pagiging creative at producer, number one na magkalaban yan. Kasi mag-iisip ka ng magandang kwento para palakihin, pero ikaw rin magpipigil sa sarili mo para paliitin. Kaya ang hirap hirap ng sitwasyon pero siguro sa Awa ng Diyos, at saka sa pagmamahal ko sa ginagawa kong trabaho ngayon, nakakaya naman po,” ani Martin.

Watch more News on iWantTFC

Masayang-masaya naman si Lovi Poe na natupad na ang isa sa kanyang mga pangarap na makagawa ng proyektong pinagbidahan ng kanyang amang tinaguriang “Da King” o King of Philippine Movies.

“I’ve never done any action series before probably sa Flower of Evil, medyo konti lang ang ginawa kong action scenes...this is gonna be the first time that I’m gonna be doing the proper scenes like that...

Gusto ko talaga action series kasi yun na lang yung hindi ko pa natitick off sa box. So now I’m so happy because I finally get to do this with Coco and everybody here,” ani Poe.

Kasama rin sa powerhouse cast ng serye ang award-winning actress na si Charo Santos na nagbalik tanaw kung paano muling pinasigla ni Martin ang action genre sa hit series na Ang Probinsiyano.

ADVERTISEMENT

“It’s really...pride and honor to be included in the cast of Batang Quiapo...It used to be very strong in the theatrical scene however with the rising cost of production, medyo nawala siya in the theatrical scene. And I think it was Coco again through Probinsiyano that brought back the action genre to Filipino entertainment. And of course we continue to air the movies of the King of Philippine movies-FPJ,” ani Santos.

Batang Quiapo
Ilan sa cast ng Batang Quiapo

Mahirap man ngunit mas pinili ng production na ishoot ang kanilang mga eksena sa Quiapo kung nasaan ang pulso ng masa.

“Syempre ang dami pa ring limitation sa pagshoshoot dahil iniingatan pa rin natin ang isa’t-isa...Pero ang pagshoshoot namin, honestly ginagawa naming authentic kasi kung sa Quiapo, sa Quiapo talaga kami nagshoshoot. Kasi gusto naming ipakita dito yung totoo, ano yung kultura, sino yung mga taong nandito. Kaya halos lahat ng napanood nyo (sa trailer) ay kinunan namin sa Quiapo talaga mismo.

Kaya kahit napakahirap, tinitiis po namin kasi napakaganda ng Quiapo eh. Hindi mo siya madadaya. Napakaganda nung lugar, napaka authentic ng lahat ng mga tao sa paligid mo, yung community...

Hangga’t maaari pag gumagawa tayo ng pelikula o teleserye syempre ang iniisip natin kung saan mas magiging komprtable o madali...kami baliktad, kung ano yung mas mahirap, at mas nakaka-challenge, yun yung gusto namin gawin. Kasi ‘yun yung nagpapaiba sa lahat ng mga ginagawa naming trabaho,” pagbabahagi ni Martin.

Watch more News on iWantTFC

Isa pa sa kakaiba sa serye ay ang pagkakabilang ng mga kilalang video creators na mismong si Martin ang pumili.

“Sinusubaybayan ko sila. Talagang kilala ko sila. And then nung nagbubuo ako ng community, naghahanap ako nung mga totoong tao. Kasi alam ko sa pamamagitan nila, makakarelate ang maraming tao, yung mga taong nangangarap,” ani Martin.

ADVERTISEMENT

Halos hindi naman makapaniwala ang ilang vloggers na napasama sa serye tulad nina Toni Fowler at ng mag-asawang Norvin at Lovely.

“Sa Batang Quiapo ang pangalan ko po doon ay si Joy. So sa isang community hindi mawawalan ng Maritess,” sabi ng vlogger na si Lovely Jimenez.

“Ang pangalan ko dito ay Norman. Ako po ang asawa niya (Lovely), as usual, under din po ako sa istorya na ‘to, parang nagba-vlog din po kami...sa totoo lang po nung kinontak kami nung Batang Quiapo, talagang hindi po namin alam kung ano ‘yung Batang Quiapo...yung sinearch po namin, parang nawindang kami, baka ito na yung papalit sa Probinsiyano tapos nagtatalon na to (Lovely), magiging artista na ‘ko. So agad agad kaming sumagot, kami na po ‘yung tumawag. Salamat kay Direk Coco, hindi ko alam na magkakatotoo ito. Dati sa TV ko lang napapanood ito...very blessed po, maraming salamat sa lahat ng bumubuo sa Batang Quiapo,” kwento naman ni Norvin, asawa ni Lovely.

Ipinaliwanag naman ni Fowler ang role na ginagampanan niya sa serye.

“Maganda kasi medyo relate siya sa buhay ko na wala pa kong idea papano umarte ganyan...so ang role ko doon ay magiging bad influence na mag-iimpluwensiya kay Ms Lovi ang aking Bessy na mapunta sa maling landas...na ayaw mong maging kaibigan ng anak mo...BI talaga...,” sabi ni Fowler.

Sobra rin ang pasasalamat ni Fowler sa ibinigay na pagkakataon ni Martin sa mga tulad nilang vloggers na mapasama sa seryeng pantelebisyon.

ADVERTISEMENT

“Hindi ko po expected. Kasi yung pinsan ko po yung nakabasa ng email eh yun po, baliw na baliw po yun sa Probinsiyano, umiiyak po siya pag may makaka-break si Direk Coco kasi medyo marami siyang naging partner doon di ba. Talong siya ng talon. Sabi ko: baka scam yan, baka hindi totoo. So tinry ko, nagpunta kami, naging okay ang lahat.

Galing sa puso ko, sobrang thankful ako...Tulad ng sabi ko noon kay Direk, lahat pwedeng mag-open ng sariling Youtube channel, pero hindi lahat nakakatuntong sa TV...Isipin n'yo po, napakadaming mabibigat na artista, pero sinasama niya po kami kahit saan, walang malaki, walang maliit, walang beterano, walang nagsisimula pa lang. So thank you po Direk, maraming salamat po,” pagbabahagi ni Fowler.

Batang Quiapo
Ilan pa sa mga artistang kabilang sa Batang Quiapo

Ang FPJ classic adaptation na Batang Quiapo ay mapanonood na simula February 13, 2023 sa iba-ibang platforms tulad ng Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, Cinemo, A2Z, TV5, iWantTFC at TFC sa ilalim ng produksiyon ng ABS-CBN Entertainment, CCM Film Production at ng Dreamscape Entertainment.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.