Sinuko na ni Narna (Jane De Leon) ang bato kay Borgo (Richard Quan) para iligtas si Ding (Zaijian Jaranilla). Mga screenshot mula sa ABS-CBN Entertainment YouTube channel.
MAYNILA -- Sinuko na ni Narna (Jane De Leon) ang bato kay Borgo (Richard Quan) para iligtas si Ding (Zaijian Jaranilla) sa latest episode ng "Mars Ravelo's Darna."
Sa Wednesday episode, sinubukang gumawa ng paraan ni Ding para maligtas ang kanyang ate pero nahuli siya ng mga super soldier ng kontrabida.
Nagbanta si Borgo na papatayin si Ding. Hahayaan niya lang mabuhay ang binata sa isang kundisyon: kung isusuko ni Darna ang bato.
Hindi natiis ni Narda ang kapatid at niluwa na ang bato. Nilakasan naman ni Ding ang kanyang loob para atakehin ang mga "extra" kasama sina Luna (Kira Balinger).
Samantala, nagkaisa naman ang mga mamamayan ng Nueva Esperanza para tulungan si Darna.
Sa teaser naman ng susunod na episode, akmang aatakihin ni Valentina (Janella Salvador) si Borgo matapos mapagtantong ginagamit lang siya ng kontrabida.
Mapapanood ang "Darna" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, CineMo, A2Z, at TV5. Pwede ring subaybayan ang ABS-CBN series ng JRB Creative Production sa iWantTFC at TFC.
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.