Gardo Versoza, nag-propose na sa kanyang long-time GF

ABS-CBN News

Posted at Feb 07 2019 03:51 PM

 

MANILA -- Nag-propose na sa kanyang long-time girlfriend ang aktor na si Gardo Versoza.

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ng aktor ang ginawa niyang proposal sa girlfriend na si Ivy Vicencio.

Gamit ang rose petals na nakapatong sa kama, isinulat ni Gardo ang tanong na "Will you marry me?"

Sa Instagram ay sumagot naman ng "Yes" si Ivy.

Ayon kay Gardo, nais niyang tumanda kasama si Vicencio, ang ina ng kanyang anak na si Deity Uziel.

"After 13 years, I wanna grow old with you," ani Gardo. "I won't last a day without you."