Enchong Dee sumuko sa NBI, naghain ng piyansa | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Enchong Dee sumuko sa NBI, naghain ng piyansa

Niko Baua,
ABS-CBN News
Published Feb 01, 2022 04:25 PM PHT

MAYNILA -- Sumuko sa National Bureau of Investigation (NBI) National Capital Region (NCR) ang aktor na si Enchong Dee nitong Lunes kasama ang kanyang mga abogado kaugnay sa kasong cyberlibel na inihain laban sa kanya.

Matatandaang idinemanda si Dee, o Ernest Lorenzo Velasquez Dee, ng isang kongresista matapos niyang batikusin at akusahan na ginamit ang pera ng taumbayan sa kanyang magarbong kasal.

Kamakailan ay may warrant of arrest na inilabas laban kay Dee.

Pagkatapos sumuko sa NBI ay agad ding inayos ni Dee ang pagpiyansa. Nagbayad siya ng P48,000 para sa kanyang provisional liberty.

Nang tanggapin ito ng korte, isang release order ang inilabas para sa aktor at nakaalis din siya ng NBI Lunes ng gabi.

Sa isang opisyal na pahayag, pinabulaanan naman ng abogado ni Dee na tinangka niyang umiwas sa pagkakaaresto.

“Contrary to certain media reports, Enchong Dee has been attending to his professional and personal commitments in the past couple of days and has not made any attempt to evade arrest,” ayon sa pahayag ng Castillo Laman Tan Pantaleon and San Jose Law Offices.

“More importantly, as a show of respect for the rule of law, he voluntarily submitted himself to the authorities and posted bail,” dagdag pa nito.

Sinabi pa ng abogado ni Dee na gagawin ng aktor ang mga karampatang legal na hakbang para madepensahan ang sarili laban sa kasong kinakaharap nito.

“Moving forward, Enchong will take all the appropriate and necessary legal steps to defend himself against the pending lawsuit.”