Michael Ver, napiling maging ‘boss’ sa ‘Pinoy Big Brother’ | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Michael Ver, napiling maging ‘boss’ sa ‘Pinoy Big Brother’

Michael Ver, napiling maging ‘boss’ sa ‘Pinoy Big Brother’

ABS-CBN News

Clipboard

Screengrab mula sa Kapamilya Online Live
Screengrab mula sa Kapamilya Online Live

Tatayo bilang "boss" ang atleta at modelong si Michael Ver Comaling sa loob ng Bahay ni Kuya matapos mapili ng mga kasamahan.

Para sa ikaapat na weekly task ng mga adult housemate, kinakailangan nilang magtayo ng online start-up company kung saan kakailanganin ng isang boss na tatayong weekly task leader.

Sa unang board meeting ng mga ito, halos lahat ng mga housemate ay si Comaling ang ibinoto habang nakakuha ng tatlong boto ang guest na si Glenda Victorio.

“Naniniwala ako na may determinasyon siya at kaya niya mag-lead ng tao,” ani Thamara Alexandria na napili si Comaling maging boss.

ADVERTISEMENT

Natuwa naman ang atleta sa suportang natanggap sa mga kasamahan at ipinangakong gagawin ang makakaya para magampanan ang tungkulin.

“I feel honored po kasi it felt very good na majority of the housemate chose me their boss,” sambit ni Comaling.

Magbebenta ang mga housemates ng personalized na bracelets, necklaces, at t-shirts. Kailangan nilang makalikom ng P75,000 na kapital upang mapatagumpayan ang task.

Subalit maaaring may haraping pagsubok si Comaling bilang boss dahil binigyan din ni Big Brother ang tatlong bagong housemates na sina Andrei King, Kathleen Agir, at Roque Coting ng special task.

Hinamon ni Kuya na maging boss ng kompanya ang tatlo upang hindi mapatawan ng automatic nomination. Maaaring mapalitan si Comaling kung gugustuhin ng mga kasamahan nito.

Ang boss na nakaupo sa pagtatapos ng weekly task ay maliligtas sa susunod na nominasyon.

Mapapanood ang "PBB" sa Kapamilya Channel, Kapamilya Online Live, A2Z, iWantTFC, at TFC, mayroon din itong 24/7 livestreaming sa Kumu.

Related video:

Watch more in iWantv or TFC.tv

Watch more in iWantv or TFC.tv

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.