Regine Velasquez, isang taon nang co-host sa 'Magandang Buhay' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

Showbiz

Regine Velasquez, isang taon nang co-host sa 'Magandang Buhay'

Regine Velasquez, isang taon nang co-host sa 'Magandang Buhay'

ABS-CBN News

Clipboard

 Regine Velasquez. Screengrab mula sa Magandang Buhay
Regine Velasquez. Screengrab mula sa Magandang Buhay

MAYNILA -- Maliban sa papalapit na Chinese New Year, ipinagdiwang nina Melai Cantiveros at Jolina Magdangal ang unang taon ni Regine Velasquez bilang co-host ng "Magandang Buhay."

"Hindi lang Chinese New Year ang reason na mataas ang energy natin ngayon. Dahil alam niyo ba, isang taon na mula nang mag-host si Momshie Reg dito sa 'Magandang Buhay,'" ani Magdangal sa simula ng palabas nitong Biyernes.

"Happy one year! Happy MB anniversary!" dagdag naman ni Melai.

Puno naman ng pasasalamat si Velasquez, na sinabing tila ang bilis ng panahon at 'di inakalang isang taon na ang nakalipas simula nang maging bahagi siya ng "Magandang Buhay."

ADVERTISEMENT

"Siyempre masaya, kaya nga I'm happy na ako ay napili na maging isang co-momshie dito sa 'Magandang Buhay.' I'm really happy, I'm really thankful, I'm really blessed," aniya.

"At siyempre, 'yung anak ko gustong-gusto pa rin niya akong napapanood dito sa 'MB.' 'Di ba dito nga nag-celebrate ng birthday," dagdag ng "Asia's Songbird" tungkol sa kanyang anak na si Nate.

Pumasok na guest co-host ng "Magandang Buhay" si Velasquez noong nakaraang taon matapos ang pag-alis ni Karla Estrada.

Matapos ang ilang buwan, naging mainstay co-host na siya ng palabas kasama sina Cantiveros at Magdangal.

Kaugnay na video:

Watch more News on iWantTFC

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

ABS-CBN is the leading media and entertainment company in the Philippines, offering quality content across TV, radio, digital, and film. Committed to public service and promoting Filipino values, ABS-CBN continues to inspire and connect audiences worldwide.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.

© 2025 ABS-CBN Corporation. All Rights Reserved.