Robin Padilla: 'Mahalin ang wika' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Robin Padilla: 'Mahalin ang wika'

Robin Padilla: 'Mahalin ang wika'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Naging makahulugan ang Instagram post ni Robin Padilla kasunod ng pinag-usapang pambabatikos niya sa 20 anyos na Korean sa "Pilipinas Got Talent" (PGT) noong Sabado, Enero 13.

Sa Instagram post ni Padilla, tampok ang retrato ni Apolinario Mabini at ang bandila ng Katipinan.

Kalakip nito ang mensaheng: "Filipino Hospitality is far different from slavery and stupidity... Mahalin mo ang bayan mo at ang lahi mo lalo ang wika mo bago ang lahi at wika at bayan ng dayuhan."

"Always fight for your freedom to gain respect, never allow a foreign power to intimidate you in your country just because they are rich. Be a proud Filipino!!! Mabuhay ang lahing kayumanggi!! Mabuhay ang Tagalog Republic!!!"

ADVERTISEMENT

Naging maugong ang audition ng Korean na si Kim Jiwan dahil sa kritisismo ni Padilla na bakit hindi marunong magsalita ng wikang Filipino si Jiwan, gayong 10 taon na siya sa bansa.

"Mag-Tagalog ka muna bago mo ako kausapin," sabi ni Padilla kay Jiwan.

"Pasensiya ka na kasi mayroon akong kakilalang Koreano, si Ryan Bang, na mas magaling pang mag-Tagalog sa akin," kalauna'y sabi ni Padilla kay Jiwan.

REAKSIYON KAY PADILLA

Bumuhos ang social media comments ng netizens matapos ang talent show.

May ilang nagsabing bastos at racist o nangmamata ng ibang lahi si Padilla.

Nagpahayag naman ng suporta kay Padilla ang isang British blogger na itinuturing na ikalawang tahanan ang Pilipinas.

Dumepensa rin si Padilla sa mga binitiwang pahayag.

“Wala akong pinagsisisihan kasi ako pumupunta din ako sa ibang bansa. Kapag pumupunta ako sa ibang bansa, pinipilit kong malaman kung anong salita doon kasi bisita ka doon. Ikaw ang makikibagay,” ani Padilla.

“Kung pupunta ka dito sa Pilipinas at uutusan mo kami, at Iinglesin mo kami, sa banyagang pananalita, nagkakamali ka. Bayan ko ito at handa ako mamatay anytime para sa bayan ko. Kaya kung sasabihin mo sa akin na 10 taon ka na dito, at hindi ka pa rin marunong mag Tagalog, may problema ka,” he said.

Hindi daw niya kailangang mag-adjust sa isang dayuhang isang dekada na sa bansa.

"Hindi mo puwede sabihin sa akin na mahal mo ang Pilipinas. Sabi niya mahal niya ang Pilipinas, may girlfriend siyang Pilipina pero hindi siya marunong mag-Tagalog?” sabi ni Padilla.

Giit din ni Padilla, pinapayuhan niya lang na parang isang ama ang contestant.

“Hindi ko naman siya inaaway. Sinabihan ko lang siya na parang tatay niya. Sabi ko sa kanya, ‘Ako parang tatay mo. Tandaan mo iyan,” ani Padilla.

Sa kabila ng kontrobersiya, nakakuha si Jiwan ng tatlong boto mula sa judges kabilang na si Padilla mismo.

Kaya naman pihadong aabangan ang muling paghaharap nina Padilla at Jiwan sa PGT.

-- May ulat ni Marie Lozano, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.