Celebrities kumikilos na para tumulong sa mga apektado ng Taal eruption
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Celebrities kumikilos na para tumulong sa mga apektado ng Taal eruption
ABS-CBN News
Published Jan 14, 2020 06:05 PM PHT
|
Updated Jan 14, 2020 09:00 PM PHT

Kumikilos na ang ilang artista at personalidad para magpaabot ng tulong sa mga kababayang apektado ng pag-alboroto ng bulkang Taal.

Muling binansagang real-life Darna si Angel Locsin matapos niyang mag-tweet at magtanong ukol sa pangangailangan ng mga apektadong barangay at pamilya sa pagputok ng bulkang Taal.

Kilala si Locsin sa kusang pagtulong sa mga nasalanta ng kalamidad.

Gaya naman ng ibang sundalo, kumilos na rin si Matteo Guidicelli para magpaabot ng tulong.
Gaya naman ng ibang sundalo, kumilos na rin si Matteo Guidicelli para magpaabot ng tulong.
ADVERTISEMENT
Bitbit ang ilang grocery items at mga damit, personal na dinala ni Guidicelli at ng mga kapuwa sundalo ngayong Martes ang mga donasyon sa Santo Tomas, Batangas.

Sa Sabado, ibang bayan naman sa Batangas ang dadalhan ng tulong nina Guidicelli.

Hinikayat din ni Guidicelli ang kaniyang social media followers na mag-donate ng mga gamit na hindi na kailangan para madala nila ito sa evacuation centers.

Kalahating milyong piso naman ang pinaabot na tulong ng sikat na dermatologist na si Vicki Belo at Manila Mayor Isko Moreno para sa relief operations ng Red Cross para sa mga taga-Batangas.

Mag-organisa rin ng tulong sina Belo at Moreno para naman sa mga apektadong hayop sa Batangas, gaya ng mga kabayo.

Nakiusap naman sina Jed Madela at Frankie Pangilinan, anak ni Sharon Cuneta, na tigilan ang pagpapakalat ng mga joke o meme tungkol sa kalamidad sa social media.

Sa halip anila ay maging responsable at gamitin ang digital platform sa pagpapakalat ng tips o impormasyong makatutulong sa mga kababayan.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News
Read More:
PatrolPH
Tagalog news
Angel Locsin
Matteo Guidicelli
Vicki Belo
Isko Moreno
Frankie Pangilinan
Jed Madela
TV Patrol
MJ Felipe
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT