Kasikatan, hindi ramdam ni Angel Locsin | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Kasikatan, hindi ramdam ni Angel Locsin

Kasikatan, hindi ramdam ni Angel Locsin

ABS-CBN News

 | 

Updated Jan 14, 2019 03:40 PM PHT

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Marami nang napatunayan si Angel Locsin sa mga proyektong kanyang nagawa, sa box office man o sa husay sa pag-arte.

Pero marami ang nagtatanong kung bakit walang titulo na idinidikit sa kanyang pangalan gaya ng mga ibang aktres.

"'Yung mga 'queen,' 'yung mga titles, wala akong title hanggang ngayon. Parang itong plug... naiilang ako sa 'She is back' tapos Angel Locsin. Parang one week yata bago ko siya nai-repost... feeling ko kasi hindi ko deserve," paliwanag ni Angel.

Kuwento pa ng aktres, inspirasyon niya sa kanyang pagbabalik-teleserye ang mga taong nagmamahal at naniniwala pa rin sa kanyang kakayanan.

ADVERTISEMENT

"Humugot ako ng lakas sa bawat tao na nagpakita sa akin ng malasakit. Kahit ayaw mo na, na hindi ka naniniwala sa sarili mo, pero may mga tao na naniniwala na kaya mo, na nandyan nakasuporta lang sa iyo, talagang mabubuhayan ka ng loob eh," sabi pa ng aktres.

At sa kanyang pagbabalik, star-studded din ang kanyang makakasama sa "The General’s Daughter" na ayon kay Angel ay hindi niya inakala na makakasama niya sa kanyang proyekto.

"'Yung mga iniidolo ko na artista noong nagsisimula pa lang ako noong hindi pa ako artista, hindi ko naman akalain na sabay-sabay sa isang show pagsama-samahin at makakatrabaho ko sila, makikita ko sila, makakasama ko sila sa set everyday. Iba yung shock!" pahayag pa ni Angel.

Magsisimula ang "The General's Daughter" simula Enero 21 sa ABS-CBN.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.