Jodi Sta. Maria, ayaw pag-usapan ang kasal ni Jolo

ABS-CBN News

Posted at Jan 13 2020 06:49 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Dreamscape Entertainment (@dreamscapeph) on

MAYNILA -- "Naku, tapos na po 'yun, huwag na po natin pag-usapan."

Ito ang naging pahayag ng Kapamilya actress na si Jodi Sta. Maria nang hingin ng entertainment press ang kaniyang reaksyon sa pagpapakasal ng dating nobyo na si Jolo Revilla sa beauty queen na si Angelica Alita.

Matatandaan na taong 2018 nang napabalita na hiwalay na sina Jodi at Jolo matapos ang kanilang walong taong relasyon.

Ayon sa aktres, masaya siya ngayon at niyayakap ang kaniyang buhay bilang single.

"Wala naman po akong nakikita na problema sa season ngayon ng life ko. I am actually embracing my single-blessedness," aniya sa media conference ng kaniyang bagong proyekto na iWant series na "My Single Lady" kasama sina Zanjoe Marudo at Ian Veneracion.

Gaya nang kaniyang dating nobyo, naitanong rin sa aktres kung posible rin ba ang pagkakataon na magpakasal siyang muli.
 
"If it's the Lord will for me to get married in the future, why not? Kung hindi pa and then I'll just wait for His plans and purposes for my life, ganun lang po," he said.

Sa ngayon tutok muna si Jodi sa kaniyang mga trabaho at nag-iisang anak na si Thirdy.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.