Phillip Salvador emotional after seeing son Josh

by Julie Bonifacio, ABS-CBN.com

Posted at Jan 13 2010 11:23 AM | Updated as of Jan 13 2010 07:24 PM

MANILA, Philippines - Kinunan ng pahayag si Phillip Salvador sa victory party ng “Ang Panday” ng Imus Productions at GMA Films ang tungkol sa pagkikita nila ng anak niyang si Joshua sa Queen of All Media na si Kris Aquino sa huling guesting ng 2009 Metro Manila Film Festival best supporting actor sa “The Buzz.”

May mga nakakita kasi na teary-eyed si Salvador noong yakapin niya si Joshua sa studio ng “The Buzz.”

Pero tumangging sabihin ni Salvador kung ano exactly ang naramdaman niya noong yakapin nya si Joshua.

“Kung anuman ‘yon sa aming mag-ama na lang ‘yon. Okay, I don’t want it to be publicized. Whatever I have with my son, it’s my intimacy with him,” sabi ni Ipe.

Ano ang gift niya kay Josh last Christmas? “Wala akong nairegalo kay Josh. I don’t want to be a hypocrite. Ang tanging na-iregalo ko sa kanya this Christmas is my hug and to tell him that I love him so much.”

Tumanggi naman si Salvador na sagutin ang tanong kung payag siya if ever ampunin ng mister ni Kris na si James Yap si Joshua.

Napunta naman ang usapan sa pulitika. Kilalang taga-suporta ng pamilya Estrada si Salvador.

Ano ang masasabi niya sa pagtakbo ng kapatid ni Kris na si Sen. Benigno “Noynoy” Aquino III sa pagka-presidente, susuporta ba siya dito?

“Okay,” ang matipid na sagot ni Salvador.

Hindi ba niya susuportahan ang kandidatura ni Noynoy na paboritong tito ni Joshua? Wala naman daw siyang problema sa mga Aquino.

“I have nothing to say. I can say na Kris is a good mother. A very good mother,” diin ni Salvador.

Samanatala, marami ang nakakaalam na malapit sa Diyos si Salvador. Pero nagulat ang marami sa kanyang role bilang demonyo sa “Ang Panday.”

“I’ve been praying to God na magkaroon ako ng trabaho, makagawa ng pelikula, makagawa ako ng magandang pelikula, and, eto ‘yung dumating. Tapos sabi ko, ‘Lord, kung ito ang binibigay mo I receive and claim it.’ Sabi kong ganoon, ‘Thank you. Pero bahala ka nasa akin because you know the role I’m playing.’”

“Tapos ginawa ko, nagpa-kalbo na ako, humarap ako sa pastor ko. Sabi ko, ‘Pastor, magsho-shooting na po ako.’ Kinikiskis ko pa ang ulo ko. Tapos sabi ng pastor ko, ‘Praise God!’ Kasi pinagpri-pray din nila ‘yun. ‘Pastor hihingi lang ako ng prayers. ‘Oo naman. Why? What’s your role’ ‘I’m playing the devil.’ ‘Oh, my God! Kuya Ipe bakit ganu’n?’ Sabi ko, ‘Pastor ‘yun ang offer lang na dumating sa akin na gagawin ko. Humihingi ako ng project kay Lord, I’m sure eto ‘yung binibigay niya na wala akong dapat ikatakot na ito’ng role, role lang naman ‘to. Character lang ‘tong pino-portray ko.’ So, continuous ang prayer nila.”

Hindi kaya ma-typecast na siya sa mga contrabida roles?

“Wala namang problema sa akin ‘yon. Artista ako. Ang sa akin basta challenging ‘yong role na ibibigay sa akin, why not? Hindi ba? Pero siyempre priority ko si Bong (Sen. Ramon Revilla Jr.). May gagawin kami, siya ang priority ko. Meron nang Panday 2. Ako pa rin si Lizardo.”

Kinu-consider ba niya na gumawa rin ng indie film?

“Oo naman. Why not kung may magandang role? Siguro indie film baka bida pa ako, kapag mga ganoon. As a matter of fact kami nina Richard Somes nagpa-plano. Magaling ‘yon hindi lang as production designer, magaling na direktor. Magaling din na writer. He’s very talented.”