Mga babaeng pulis sa Pampanga, naki-'Tala' dance challenge | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Mga babaeng pulis sa Pampanga, naki-'Tala' dance challenge

Mga babaeng pulis sa Pampanga, naki-'Tala' dance challenge

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

Gracie Rutao, ABS-CBN News

BACOLOR, Pampanga—Kung anong tikas at tigas, siya namang lambot sa pagsayaw at paggiling sa saliw ng musika ni Sarah Geronimo.

Ito ang mga pulis ng Bacolor Municipal Police Station na nakipagsabayan sa "Tala" dance challenge sa flag raising ceremony ng lungsod Lunes ng umaga.

Kuwento ng mga policewomen ng Bacolor, halos 2 araw lang silang nakapag-practice, pero dahil viral ang dance challenge, nasasabayan na rin nila ito kahit nasa bahay.

"'Yong 'Tala' kasi maganda naman talaga 'yong kanta. Siyempre Sarah Geronimo," ani Police Executive Master Sgt. Jovelyn Rodriguez.

ADVERTISEMENT

Sulit ang kanilang performance dahil natuwa pati ang mismong alkalde ng bayan.

"Nagpapasalamat tayo sa kanila... Every Monday kapag sila ang in charge ginagawa nila 'yan... Masaya naman, they did their part," ani Bacolor mayor Diman Datu.

Bukod sa pagpe-perform ng usong sayaw, paraan din daw ito ng Bacolor police para mas maging malapit ang loob sa publiko.

"Akala kasi ng iba eh napakatigas namin. Hindi nila alam na may soft side kaming mga kapulisan... Kahit papaano para 'yong mga tao lalo na 'yong mga bata eh huwag gaanong kapag nakakita ng pulis eh agad matatakot," dagdag ni Rodriguez.—Ulat ni Gracie Rutao, ABS-CBN News

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

ad