ALAMIN: Mga bagong aabangan sa 'Showtime' | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

ALAMIN: Mga bagong aabangan sa 'Showtime'

ALAMIN: Mga bagong aabangan sa 'Showtime'

ABS-CBN News

Clipboard

Watch more in iWantv or TFC.tv

MAYNILA -- Ngayong araw, Enero 6, ay may mga bagong aabangan sa "It's Showtime."

Nitong Lunes sa "Umagang Kay Ganda," ibinahagi ni Amy Perez na dalawang segment ang magsisimula sa pangtanghaling programa ng ABS-CBN.

Ito ang "Piling Lucky" at "Mini Ms. U."

Ang "Piling Lucky" ay game para sa lahat ng madlang people na feeling lucky.

ADVERTISEMENT

Mula sa 100 lucky madlang people ay may lucky 20 na mapipili para maglaro at susubukan ang kanilang kapalaran para manalo ng P50,000.

Kapag hindi nakuha ang jackpot prize ay madadagdag ito sa pot money.

Ang "Mini Ms. U" naman ay isang patimpalak para sa mga young, charming and talented beauty queen.

Five- to 10-years old ang puwedeng sumali at ito na ang pagkakataon na matupad ang kanilang munting pangarap at maging next ABS-CBN child superstar.

Bukod sa mga bagong segment ay may bago ring makakasama sa "It's Showtime" at 'yan ay si Miss Universe 2018 Catriona Gray na nagdiriwang ngayon ng kanyang kaarawan.

-- Umagang Kay Ganda, Enero 6, 2020

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.