The girl in the white dress? Luis nagbirong magpo-propose kay Jessy

ABS-CBN News

Posted at Jan 06 2019 06:14 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Humirit ng birong proposal o alok sa kasal si Luis Manzano sa nobyang si Jessy Mendiola kasunod ng pagbabahagi ng aktres sa New Year's resolution nito.

Nang tanungin kasi ng ABS-CBN News ukol sa kaniyang resolusyon para sa bagong taon, sinabi ni Mendiola: "Since kasi matagal din ako napahinga, more of tanggap lang nang tanggap ng work. Mas tatanggapin ko sa 2019 lahat."

"Sa 2019, lahat tatanggapin mo? Pati proposal ko?" biglang hirit ni Manzano.

Itinuro pa ng dalawa ang ina ni Mendiola na naroon sa lugar kung saan nakapanayam ang dalawa.

"Tita, 2019 po, tatanggapin daw niya lahat pati proposal ko po," sabi ni Luis sa ina ni Mendiola.

Sinagot lang ng ina ni Mendiola: "Ikaw."

"Gusto ko 'yong binalik lang niya, 'ikaw,'" reaksiyon ni Mendiola.

"'Yong part two is the girl in the white dress," ani Manzano, na tinutukoy ang pelikula ni Mendiola na "The Girl in the Orange Dress," isa sa mga kalahok sa 2018 Metro Manila Film Festival.

Higit dalawang taon nang magkarelasyon sina Manzano, 37, at Mendiola, 26.

-- Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.