Angel Locsin, tutok muna sa kasal ngayong 2020 | ABS-CBN

Featured:
|

ADVERTISEMENT

Featured:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Angel Locsin, tutok muna sa kasal ngayong 2020

Angel Locsin, tutok muna sa kasal ngayong 2020

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Isa sa mga inaabangan ngayong taon ang kasal ng Kapamilya actress na si Angel Locsin sa kaniyang fiancé na si Neil Arce.

Matatandaan na kasama sina Angel at Neil sa mga newsmakers ng 2019 kasunod ng kanilang anunsyo sa kanilang planong pagpapakasal.

Sa naging panayam kay Angel, sinabi ng aktres na ito ang kanilang tutukan ni Neil ngayong 2020.

"Medyo nag-stop kami sa preparation kasi medyo nag-advance kami ng kaunti, but this year, back to wedding preparations na ulit," aniya.

ADVERTISEMENT

Idinaan na lang rin ni Angel sa biro ang mga nagpapakalat ng mga mali at negatibong balita sa kanila ni Neil.

"Siguro, may mga taong nasasaktan kapag may nakikitang masaya ang tao, pero huwag po kayong mag-alala kasi dati rin akong nasa ganyang posisyon. Darating rin ang mga taong para sa inyo, magugulat na lang po kayo," pabiro niyang tugon.

Pero promise na Angel na magiging aktibo pa rin siya sa kaniyang trabaho bilang artista.

"Siguro kailangan ko lang magdahan-dahan kasi kailangan ko na rin mag-prepare para sa kasal. 'Yun na lang rin ang pinakiusap sa akin ng fiance ko na huwag ko siyang hayaan na mag-prepare mag-isa, so ayun lang naman," pahayag pa ng aktres.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.