Kampo ni Julia Montes, pinabulaanang buntis ang aktres sa Germany

ABS-CBN News

Posted at Jan 03 2019 06:37 PM | Updated as of Jan 03 2019 06:53 PM

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

A post shared by Julia Montes (@montesjulia08) on

Kamakailan ay kumalat ang balitang "nagtatago" sa ibang bansa ang aktres na si Julia Montes upang ikubli ang kaniyang pagbubuntis.

Umugong ang espekulasyon dahil "no show" si Montes sa ilang Kapamilya events gaya ng ABS-CBN Christmas special at sa special screening ng advocacy film na kaniyang ginawa kasama sina Kean Cipriano at direktor na si Brillante Mendoza.

Pero pinabulaanan ito ng Cornerstone Management na siyang namamahala sa karera ni Montes.

Ayon kay Erickson Raymundo na manager ni Montes, totoong nasa Germany ito kasama ang ama para sa holidays pero hindi totoong nagtatago siya doon dahil nagdadalantao.

"She's in Germany with her dad... She heard about [the rumor] and we called her... pero hindi talaga totoo," ani Raymundo sa isang text message.

Huling naiugnay si Montes sa kapwa Kapamilya actor na si Coco Martin ngunit walang naging pag-amin sa kanilang panig. —Ulat ni MJ Felipe, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.