Joem Bascon at Meryll Soriano, nagkabalikan na? | ABS-CBN

ABS-CBN Ball 2025:
|

ADVERTISEMENT

ABS-CBN Ball 2025:
|
dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Joem Bascon at Meryll Soriano, nagkabalikan na?

Joem Bascon at Meryll Soriano, nagkabalikan na?

ABS-CBN News

Clipboard

MAYNILA -- Nagkabalikan na?

Ito ang tanong ng netizens matapos lumabas ang larawan ni Joem Bascon na dumalo sa pagdiriwang ng Bagong Taon ng pamilya ng dati nitong kasintahan na si Meryll Soriano.

Sa Instagram, ibinahagi ni Mel Martinez, tiyuhin ni Meryll, ang retrato ng kanilang pamilya na sumalubong sa Bagong Taon kasama si Joem.

Lumabas ang larawan ilang linggo matapos lumabas ang balitang hiwalay na si Joem sa long-time girlfriend nito na si Crisha Uy.

ADVERTISEMENT

Sa nakaraang panayam, iginiit ni Joem na walang "third party" sa nangyaring hiwalayan.

Matatandaang taong 2010 nang maghiwalay sina Meryll at Joem matapos ang isang taong relasyon.

Muling nagkasama ang dalawa nang maging parte sila ng pelikulang "Culion" na isa sa mga kalahok sa 2019 Metro Manila Film Festival.

Magkasama rin ang dalawa sa seryeng "Starla" ng ABS-CBN.

Sa ngayon ay wala pang pahayag sina Joem at Meryll sa tunay na estado ng kanilang relasyon.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.