Lalaki patay sa pagsabog ng gulong sa vulcanizing shop | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Lalaki patay sa pagsabog ng gulong sa vulcanizing shop

Harris Julio
Published Jun 20, 2024 11:24 AM PHT
|
Updated Jun 20, 2024 09:37 PM PHT

Larawan mula sa Camalaniugan police

Patay ang isang barangay kagawad dahil sa sumabog na gulong sa vulcanizing shop sa Barangay Luec, Camalaniugan, Cagayan noong Martes.

Kinilala ang nasawi na si Jimmy Vallanca, 67-anyos na opisyal ng Barangay Cullit sa katabing bayan ng Lal-lo.

Sa imbestigasyon, galing sa bukid ang biktima at pauwi sakay ng motorsiklo nang masiraan ng gulong kaya dinala niya ito sa vulcanizing shop.

Habang naghihintay, biglang sumabog ang gulong ng trailer truck na nilalagyan din ng hangin malapit sa biktima.

ADVERTISEMENT
“Siya [kawagad] ang nakatayo doon, pinapanood niya hinahanginan ‘yung malaking gulong noong sumabog,” sabi ni PCpl. Allen Olivas.

Naisugod pa sa ospital ang biktima, pero idineklarang dead on arrival dahil sa natamong matinding pinsala sa katawan.

“Napuruhan ‘yung binti niya saka vital parts,” ani Olivas.

Maswerteng hindi naman nasaktan ang kasamahan ng biktima na nasa gilid ng vulcanizing shop gayundin ang vulcanizer na tumalikod umano para tingnan ang compressor.

Napinsala ang bubong at salamin ng vulcanizing shop dahil sa tumamang mga debris.

Read More:
Tagalog news
gulong
vulcanize
reckless imprudence
homicide
oddity
freak accident
Camalaniugan
Cagayan
regional news
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT