VIRAL: Anti-cheating headgear ng mga estudyante sa agrikultura | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
VIRAL: Anti-cheating headgear ng mga estudyante sa agrikultura

Bayan Mo,
Ipatrol Mo
Published Mar 20, 2024 05:34 PM PHT

Viral ngayon sa Tiktok ang video ng mga estudyante mula sa Batangas State University-Lobo Campus na nakasuot ng iba-ibang disenyo ng anti-cheating headgear na pasok ang tema sa kanilang kursong BS Agriculture.

Makikita na mayroong nakasuot ng chainsaw, bibe, gulayan, bundok at mga ibon.

Ayon sa guest lecturer at Bayan Patroller Angelo Ebora, hindi naman sapilitan ang paggawa ng mga anti-cheating headgear kaya nagulat siya sa todo effort na ibinigay ng mga estudyante.

Halos nasa 70 na estudyante ang sumali sa kanyang gimik at bilang premyo ay makakakuha sila ng plus five points sa examination.

ADVERTISEMENT
"Hindi ko po inexpect na ganoon po nila se-seryosohin, ganun po kaka-effortan ng mga students... Noong nakita ko po yung output nila sobra po akong na-amazed sobra rin po akong naging proud sa kanila," saad ni Ebora.

Samatala, isa si Dorothy Marie Servan sa mga estduyante na gumawa ng anti-cheating headgear at para sa kanya ay nakatulong ito para mabawasan ang stress sa pagkuha ng exam.

Ito naman ang unang beses na gumawa si Servan ng ganitong headgear kaya naman sobrang na-enjoy niya ang paglikha nito.

Para kay Dr. Myrna A. Garcia, Dean ng College of Agriculture and Forestry, magandang aktibidad ito para sa mga estudyate para ipakita ang kanilang pagiging malikhain.

Ito aniya ang unang pagkakataon na nagkaroon ng ganitong gimik sa kanilang campus.

Mensahe ni Garcia sa mga estudyante na ipagpatuloy lamang ang pag-aaral ng mabuti at i-enjoy ang bawat gawain sa paaralan.

Mayroon nang 47,000 reactions ang nasabing Tiktok post.

- Cielo Gonzales, ABS-CBN News
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT