Manok sa Baguio City, may sampung daliri | ABS-CBN
ADVERTISEMENT

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Manok sa Baguio City, may sampung daliri

Justin Aguilar,
ABS-CBN News
Published Nov 19, 2017 06:11 PM PHT

BAGUIO CITY - Hindi tulad ng mga ordinaryong manok na mayroon lamang walong daliri, sampu ang daliri ng mga manok na alaga ni Narciso Pablo mula Baguio City.

Kuwento ni Narciso, hiningi niya ang manok mula sa pumanaw na kapitbahay.

"Sabi ko sa kanya, 'Pwede bang alagaan ko na lang 'yung mga manok ninyo?' 'Sige,' sabi niya, 'kung mahuli mo'. Hinuli ko naman, nakita ko parang kakaiba 'tong manok na 'to. Ayan inalagaan ko, bale one year na 'yan," aniya.

Ikinagulat niya umano ang pagkakaroon nito ng mahigit sa normal na bilang ng mga daliri ng mga manok.
Ikinagulat niya umano ang pagkakaroon nito ng mahigit sa normal na bilang ng mga daliri ng mga manok.
ADVERTISEMENT
Ang isa sa mga sisiw, labing-isa pa kung bibilangin ang mga daliri.

Paliwang ng beterinaryo na si Dr. Purita Lesing, “abnormal” ang mga manok na alaga ni Narciso.

"Sa veterinary point of view po kasi, mayroon po tayong sinasabing genetic development. So, during the early development o teratology, 'yun 'yung time na pag-develop ng embryo sa loob ng womb ng mother, doon po nagkakaroon ng abnormality kaya nagkakaroon tayo ng 11 na daliri," aniya.

Pero wala umano dapat ikabahala dahil hindi karamdaman ang pagkakaroon ng karagdagang daliri sa mga hayop katulad ng manok. Madalas ay resulta ito ng pagbabago sa sequence ng genes ng mga manok at naipapasa sa kanilang lahi.

Itinuturing naman ni Narciso na swerte ang kaniyang mga alagang manok.

"Parang swerte rin kasi dati umuupa lang siya sa 'kin pero nung napunta kaya 'yan sakin, nabili ko kaya ['yung bahay]," aniya.

Sa ngayon, nasa labing-isa na ang bilang ng manok ni Narciso na may sampu o mahigit pang mga daliri.