TikToker iniluluto ang mga recipe na natatagpuan sa mga lapida | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
TikToker iniluluto ang mga recipe na natatagpuan sa mga lapida

ABS-CBN News
Published Nov 01, 2022 11:23 AM PHT

WASHINGTON — Para sa ibang tao, ang isang lapida ay maaaring magdala ng lungkot o di kaya'y takot.

Para naman sa isang librarian sa US, ang mga lapida ay maaaring pagmulan ng importanteng impormasyon - tulad ng mga recipe mula sa mga taong yumao.

Milyon-milyon na ang nakapanood sa mga TikTok videos ni Rosie Grant (@ghostlyarchive), 33, na ipinapakita ang iba't ibang recipes na nakalagay sa mga lapida sa US at ang kanyang pagluto ng mga recipe.

Ani Grant, nagtatrabaho siya bilang intern sa mga archives ng isang sementeryo sa Washington nang naisipan niyang gumawa ng TikTok account tungkol sa iba't ibang mga sementeryo. Ilan sa mga graveyard videos niya ay patungkol sa mga namatay na celebrities, mga kuwento ng mga taong inakusahan na mangkukulam, at paano nag-umpisa ang kaugalian na mag-picnic sa sementeryo.

ADVERTISEMENT
Dito na niya nakita ang isang recipe para sa Spritz cookies sa lapida ni Naomi Odessa Miller-Dawson, 87, na namatay noong 2009 at inilibing sa Green-Wood Cemetery sa Brooklyn, New York.

"It wasn't just that it said this woman liked cookies... It had the actual ingredients for the cookies on her gravestone. And I was, like, 'that's amazing!'" aniya.

"What is this? What is this recipe? What does this taste like? I was so curious."

Ilan sa mga nakakapanood ng videos ni Grant ang nagpapadala ng mga recipes ng kanilang mga lolo't lola na namatay na. Marami naman ang nagbibigay ng tip kung paano iluto ang mga recipe sa lapida lalo na't kulang ang instructions.

Ilan sa mga nailuto niya hango sa mga recipe sa lapida ay peach crumble, blueberry pie at fudge.

Ayon kay Grant, nakatulong ang mga TikTok videos upang magkaroon siya ng closure matapos mamatay ang kanyang dalawang lola ngayong pandemya.

"This whole process has made me aware of the idea that people and society are better off if you think about your own mortality. And not to be, like, 'Yay death!' It's not a happy thing, but to be more, like, 'oh, it's okay that we'll all die someday,' and celebrate yourself."

— Isinalin mula sa ulat ng Agence France-Presse
ADVERTISEMENT
ADVERTISEMENT