Paano sumasanib ang 'demonyo' sa tao? | ABS-CBN

ADVERTISEMENT

dpo-dps-seal
Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!

Paano sumasanib ang 'demonyo' sa tao?

Paano sumasanib ang 'demonyo' sa tao?

ABS-CBN News

 | 

Updated Oct 30, 2017 07:29 PM PHT

Clipboard

Isa si Fr. Jeffrey Quintela sa hanay ng mga paring nakapagpataboy na ng mga aniya'y demonyong sumanib sa tao.

Ngunit papaano nga ba nakapapasok ang demonyo sa isang tao?

Ayon kay Quintela, chief exorcist ng Diocese of Antipolo, kadalasang hindi namamalayan ng isang tao kapag sinasaniban siya ng demonyo.

Dalubhasa kasi umano ang mga demonyo sa pagsisinungaling at panlilinlang.

ADVERTISEMENT

"Ang demonyo ay ama ng kasinungalingan at ang kaniyang trabaho ay manlinlang palagi. ‘Yong mga bagay na akala mo OK lang, sa totoo’y gawa na ng demonyo," ani Quintela sa panayam ng DZMM.

Paliwanag ni Quintela, may mga pagkakataong binubuksan ng tao ang kaniyang sarili sa impluwensiya ng demonyo, gaya ng paniniwala sa panghuhula at mga pamahiin.

"Akala mo OK ito (panghuhula) para malaman ang iyong kinabukasan... ito ay isang pagbubukas sa demonyo sapagkat ‘yong ginagamit na kapangyarihan ng mga manghuhula ay hindi sa Diyos," aniya.

Pati ang pagpapagamot sa mga albularyo ay isa umanong paraan upang makaakit ng demonyo.

"Nagkasakit ka, siyempre gusto mo gumaling, isa sa pinakamabilis [na paraan] na pinapakita sa atin ay magpa-albularyo... pero ang kapangyarihang ginagamit nila ay hindi sa Diyos," ani Quintela.

Sinabi rin ni Quintela na ang paniniwala sa mga pamahiin at kaugaliang gaya ng feng shui ay labag sa turo ng Simbahang Katolika.

Aniya, para itong pagdududa sa kakayahan ng Diyos na magpasiya ng kapalaran ng tao.

Sumasailalim sa pagsasanay

Kuwento ni Quintela, hindi basta-basta ang pagiging exorcist dahil dumadaan sila sa matinding pagsasanay.

Sa katunayan, ipinadadala pa sila sa Rome, Italy upang lumahok sa mga seminar.

Natuto rin si Quintela sa ilalim ng tanyag na exorcist na si Fr. Jocis Syquia mula sa Office of Exorcism ng Archdiocese of Manila.

Ang obispo ang may karapatang magtalaga ng exorcist mula sa mga pari kabilang sa kaniyang nasasakupang diocese.

Ang isang exorcist naman ay may karapatan magpaalis ng demonyo sa mga taong kabilang sa kanilang diocese lamang.

"Doon lang po ako sa diocese ko may authority, jurisdiction," ani Quintela.

Ayon pa kay Quintela, mabigat ang mga pamantayan upang maging exorcist at kung susunding maigi, walang karapat-dapat para sa ganitong titulo.

"Kung titingnan ninyo sa batas ng canon law... wala pong parang karapat-dapat halos kasi dapat may integrity of life, holiness. Ang mahalaga dito ay we struggle na maging banal," ani Quintela.

"Mahirap naman kung ikaw ay lalaban sa diablo at ikaw mismo ay talagang hindi rin malinis," dagdag pa nito.

Isa si Quintela sa mga tampok sa Halloween special na "Kababalaghan" ni Noli De Castro. Siya ang paring nagtaboy sa mga demonyong sumanib kay "Alice," isang parokyanang dati umanong nangkukulam.

ADVERTISEMENT

ADVERTISEMENT

It looks like you’re using an ad blocker

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.

Our website is made possible by displaying online advertisements to our visitors. Please consider supporting us by disabling your ad blocker on our website.