Babae, naging aswang umano | ABS-CBN

Welcome, Kapamilya! We use cookies to improve your browsing experience. Continuing to use this site means you agree to our use of cookies. Tell me more!
Babae, naging aswang umano
Babae, naging aswang umano
ABS-CBN News
Published Oct 25, 2016 02:40 PM PHT
|
Updated Oct 25, 2016 04:40 PM PHT

Simple at masayang namumuhay noon si Azon kasama ang kanyang pamilya, nagtatrabaho bilang isang factory worker at puno ng pangarap.

Ngunit nagbago ang kaniyang kapalaran dahil sa misteryong bumalot sa kanyang katauhan.

Isang taon na ang nakalipas mula nang imbitahan si Azon ng kanyang kasamahan sa isang handaan.

"Ako lang po yung bukod tanging hinainan niya ng isang pinggan
ng pagkain. May nakain po akong matigas na bagay hindi ko po masabi kung ano po; nilunok ko na lang," aniya.

ADVERTISEMENT
Makalipas ang tatlong linggo, nakaramdam siya ng kakaiba, at napansin naman ng nakababatang kapatid niyang si 'Totoy' ang kakaibang ikinikilos niya.

"Naging balisa na po siya. Nawawala po siya kapag natutulog po kami," ani Totoy.

Kuwento pa ni Totoy, kapag nakakakita raw ng buntis ang kapatid ay nababaling ang atensyon nito.

Dagdag niya, halos gabi-gabi ay nawawala ang kaniyang Ate Azon, hanggang sa isang gabi ay nasaksihan na niya mismo ang isang nakakakilabot na pangyayari.

"Bumangon sa higaan po namin, lumabas po siya sa may pinto, pumunta po siya sa may puno po sa amin. Medyo madilim po doon eh. Naglalakad po siya, tapos po naging ano na lang po siya, asong malaki."

Pagbalik ng bahay, duguan, marumi ang damit, at tulala si Azon.

"Mga konting oras lang po makikilala na niya po ako. Tapos magugulat po siya sa hitsura niya po na may dugo po siya sa katawan. Hindi ko po malaman kung dugo ng tao o hayop eh. Malansa po siya," salaysay ni Totoy.

Ani naman ni Azon, hindi siya makapaniwalang ganun ang itsura niya nang siya ay magkamalay.

"Nararamdaman ko po sa sarili ko po na hindi naman po ako kumakain ng tao, puro hayop sapagkat may nababalitaan ako sa ibang lugar na may namamatay na hayop," aniya.

Sa patuloy na pagkawala tuwing gabi, takot at pangamba ang nadarama ni Azon.

"Ang ikinakatakot ko po ay mismong ang sarili ko pong pamilya ang maging biktima ng pagiging aswang ko, na may ibang tao na madadamay, ayoko ko pong mangyari."

"Mananalangin nalang po ako sa diyos, na meron pa pong pag-asa na gagaling pa po ako," ani Azon.

"Ako po ang nagpapatunay na totoo po ang aswang pero ako hindi ko po ginusto na maging aswang," dagadag niya.

Para naman kay Totoy, tanggap na niya ang kanyang Ate Azon, ngunit may kaunting takot pa rin. "Baka po isang araw kami na po ang mabiktima niya o baka mapatay po siya," aniya.

Paniwala ng albularyo, totoo ang lahi ng aswang at ito ay pamana ng kanilang ninuno.

"May aswang na nanghawa, nilagay dun sa pagkain niya, isang mutya yun para maging aswang siya. So totally sa simula niyan pwede muna siya kumain ng mga hayop-hayop. Pangalawa pag hindi na nakontrol pwede na siyang kumain ng tao,"ani Harold Cabrera, isang albularyo.

Sa kagustuhan niyang magbago, sinubukan ni Azon na magpagamot sa isang albularyo.

Isang basong tubig na may halong tawas na asul at dasal ang ipinainom sa kaniya, at ilang sandali lang ay iniluwa niya ang isang bato na pinaniniwalaang "mutya." Ito ay may guhit na tila hawig sa tiyan ng isang gagamba.

Paniwala ni Azon, ito ang dahilan ng kaniyang pagiging aswang.

Para sa Simbahang Katoliko, kung tunay man ang pangyayari kay Azon, ito ay gawa ng kampon ng kasamaan dahil ang diablo ang puwedeng magkaroon ng iba't ibang anyo.

"Ang simbahan ay wala siyang statement na sinasabi na totoo yan o hindi. Ang sinasabi ng simbahan ay ang Diyos ang makapangyarihan sa lahat," ani Fr. Francis Lucas, presidente ng Catholic Media Networks, Inc.

"Ang aswang kasi ang daming definition eh--mayroon pa nga manananggal, may tiktik, may aswang at iba't iba rin ang kakayahang ginagawa niya."

"Ang alam lang natin ay gumagawa siya ng masama, pumapatay, nananakot, nakakasira ng kapwa. Ang importante diyan, patuloy kang nananalangin sa diyos at humihingi ng kapangyarihan sa diyos para sa'yo, yan ang depensa mo," dagdag niya.

Para kay Azon, umaasa siyang tuluyang gagaling at lalaya sa lahi ng sinasabing aswang. Payo naman ng simbahan, ang pinakamabisang panlaban pa rin sa lahat ng likha ng diyablo ay matibay na pananalig sa Diyos.